• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

10 drug personalities natimbog sa Caloocan

Sampung hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang apat na babae ang nasakote ng pulisya sa magkahiwalay na drug opereation sa Caloocan City.

 

 

Sa report ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Nelson Bondoc, dakong 12:40 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo sa Baltazar St. Brgy. 63 na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jhosa Jurok, alyas “Boss”, 24 ng M. Hizon St. Brgy. 63, at Edison Lopez alyas “Esot”, 26 ng Libis Espina St. Brgy. 12.

 

 

Nakuha sa mga suspek ang nasa 20 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P136,000 ang halaga at buy bust money na binubuo ng isang P500 bill at pitong piraso P1,000 boodle money.

 

 

Dakong alas-10:30 naman ng gabi nang respondehan ng mga tauhan ni PLT Ronald Allan Soriano ng West Grace Park Police Sub-Station ang natanggap na tawag mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang grupo ng indibidwal na nagtatransaskyon umano ng ilegal na droga sa Doña Rita St. Brgy. 19.

 

 

Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga pulis ang grupo na nagtatransakyon ng droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na kinilalang si Marian Montemayor, 41, Gloria Javier, 43, scavenger, Roland Familgan, 46, construction worker at Roderick Sanchez, 51, construction foreman.

 

 

Nakumpiska sa kanila ang pitong plastic sachets na naglalaman ng nasa 1.5 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P10,200.00 ang halaga.

 

 

Nauna rito, alas-9:55 ng gabi nang makuhanan naman ng nasa 2 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P13,600 ang halaga si Paul Lobo, 41, construction worker, at Larnie Dela Cruz, 40, house wife matapos masita ng mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa harap ng bahay sa No. 446 Sterling Diamante St.  Deparo,   Brgy. 170, ng lungsod dahil kapwa walang suot na face mask at tinakbuhan pa ang mga pulis.

 

 

Alas-10:40 din ng gabi nang respodehan din ng mga pulis ang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa proliferation ng ilegal na droga sa Tulingan St. Brgy.14, ng lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto kay Sonny Ocampo, 47, tricycle driver at Carlito Lurique, 45, vulcanizing boy.

 

 

Narekober sa kanila ang tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P3,400 ang halaga. (Richard Mesa)

Other News
  • Nadal nagkampeon sa Italian Open laban kay Djokovic

    Nakuha ni Rafael Nadal ang kampeonato ng Italian Open 2021 matapos talunin si Novak Djokovic.     Ito na ang pang-10 Italian Open title sa torneo na ginanap sa Rome.     Nangibabaw ang Spanish tennis star sa score na 7-5, 1-6, 6-3 para tuluyang ilampaso ang Serbian tennis great.     Agad na bumangon […]

  • “Timing” ng pagbubunyag ng alegasyon ni Pacquiao, kinuwestiyon ng Malakanyang

    KINUWESTIYON ng Malakanyang ang “timing” ng alegasyon ni Senador Manny Pacquiao na mayroong korapsyon sa Department of Health (DOH) sa gitna ng COVID-19 pandemic.   “Sa akin po, absent po siguro si Senator Pacquiao nung nagprisinta ‘yung mga Cabinet secretaries, or kung hindi siya absent he may have been preoccupied with something else,” ayon kay […]

  • ‘Di naging hadlang ang edad para matutunan ang sport: GIL, naging abala sa jiu-jitsu at nanalo ng first gold medal

    MARUNONG na raw si Lianne Valentin na ibalanse ang kanyang trabaho at personal na buhay.     Kailangan daw niyang matutunan ito dahil tumatayo siyang breadwinner ng kanilang pamilya.     At dahil sa pagsusumikap niya, nakapagpundar na siya ng sarili niyang sasakyan at nakabili na siya ng bagong bahay para sa pamilya niya.   […]