‘Pang-4 lang si Rappler CEO Maria Ressa na convicted sa cyber libel case ‘di kauna-unahan’ – DoJ
- Published on June 18, 2020
- by @peoplesbalita
Nilinaw ngayon ng Department of Justice (DoJ) na hindi ang CEO ng Rappler na si Maria Ressa ang kauna-unahang Filipino journalist na convicted sa kasong cyber libel sa Pilipinas.
Sa mga lumabas na report kahapon, si Ressa ang unang mamamahayag na convicted na lumabag sa naturang batas.
Pero ayon kay DoJ Usec. at Spokesman Markk Perete, pang-apat lamang si Ressa sa mga guilty sa kasong cyber libel.
Ang unang guilty sa cyber libel ay journalist sa Albay na nasintensiyahan ng anim na buwan hanggang dalawang taon, apat na buwan hanggang isang araw na pagkakakulong.
Ang ikalawa at ikatlong convicted naman sa kasong cyber libel ay mula sa North Cotabato at mayroong parusang apat na taon hanggang walong taon na pagkakakulong.
Pinagmumulta rin ang dalawang journalist ng P1 million na halaga ng damages.
Kahapon nang hinatulang guilty ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 46 si Ressa at dating Rappler researcher-writer Reynaldo Santos sa cyber libel charges na ibinaba ngayong araw lamang.
Ito ang naging desisyon ni Judge Rainelda Estacio-Montesa kay Ressa at Santos.
Nag-ugat ang kaso sa maanomalyang artikulo na isinulat ng Rappler noong 2012 at sinasabing muling inilathala online noong 2014 laban sa negosyanteng si Wilfredo Keng.
Inatasan din ng korte ang mga akusado na magbayad ng P200,000 na moral damages at karagdagang P200,000 bilang exemplary damages.
Ang mga akusado ay mayroong sintensiya ng pagkakakulong na anim na buwan at isang araw hanggang anim na taon.
Hindi naman agad makukulong si Ressa at Santos dahil puwede namang iapela ang kaso sa Supreme Court.
Entitled din si Ressa at Santos piyansa habang pinaplantsa nila ang legal remedies sa higher courts. (Daris Jose)
-
Takot sa COVID-19, nabawasan
KAPANSIN-PANSIN na nabawasan na ang takot at pag-aalala sa bantang pagkalat ng 2019 Coronavirus Disease (COVID-19). Iilan na lang ang nakasuot ng face mask at nabawasan na rin ang mga post sa social media na may kaugnayan sa nasabing sakit saan mang kalsada. Sinundan ito ng paglilinaw ng mga ahensiya ng gobyerno na […]
-
Drive-thru vaccination site sa Maynila, binuksan
Sa layuning mas mapa-bilis pa ang pagbabakuna sa gitna ng pinangangamba-hang pagkalat ng Delta va-riant binuksan na ang drive-thru vaccination site sa Quirino Grandstand, sa tabi ng COVID testing site at ng Manila COVID-19 Field Hospital sa Maynila, Sabado ng umaga. Personal na pinangu-nahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang opening ng naturang vaccination […]
-
GABBI, natupad na ang wish na makasama ang boyfriend na si KHALIL
“ALWAYS proud of you, my love!! Welcome to GMA @TheKhalilRamos.” Ito ang greetings ni Kapuso Global Endorser Gabbi Garcia sa kanyang Instagram bilang sagot sa pag-welcome ng GMA Network na “Welcome our newerst Kapuso @The KhalilRamos,” nang mag-sign ito ng exclusive management contract sa GMA Artist Center last Tuesday, October 13, na makakasama na […]