• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

10-M subscriber: Ivana, ‘timeout’ sa sexy image nang mamigay ng Christmas package

Tila ginulat ni Ivana Alawi ang publiko kahit ‘yaong mga fans niya matapos ang pansamantalang pag-awat sa kanyang sexy image.

 

Ito’y matapos mag-celebrate sa pamamagitan ng pamamahagi ng ayuda sa mga kapus-palad, mahigit isang buwan mula nang makahakot ng 10 million subscriber sa kanyang YouTube channel.

 

Taliwas kasi sa nakagawiang pagsusuot ng mga revealing outfit, nakasuot lamang ng leggings at T-shirt ang 23-year-old sexy actress/vlogger nang personal na iabot ang basket na naglalaman ng iba’t ibang klase ng pagkain.

 

Hindi rin nito nakalimutan na magsuot ng face mask kung saan napansin ng ilang netizens kung ito raw ba ay ang yaong “lava mask” na hango sa naging pagsabak ni Catriona Magnayon Gray sa napagtagumpayang Miss Universe noong 2018.

 

Nabatid na customized o si Alawi mismo ang pumili ng mga inilagay sa naturang basket base sa alam daw niya na makakain talaga pangunahin ang bigas, prutas at ham. Mayroon ding peanut butter, orange juice, at biscuit.

 

Kabilang sa mga naabutan nito ng Christmas food package at cash gift, ay mga palaboy, tindera, basurero at iba pang nmga mahihirap sa lansangan.

 

Nasa 10 subsribers din ni Ivana ang masuwerteng mapipili na mabigyan ng scholarship upang matustusan nito ang 2-year BS course sa kolehiyo.

 

Una nang inamin ng Filipino-Moroccan actress na kilala talaga siya bilang hubadera o pagkakaroon ng “wild and liberated” image ngunit walang anomang malaswang video at hindi nagbibigay ng escort services.

Other News
  • Toll increase sa CAVITEx pinagpaliban

    PINAGPALIBAN  ng Cavitex Infrastructure Corp (CIC) na isang subsdiary ng Metro Pacific Tollways Corp. at ang joint venture partner na Philippine Reclamation Authority (PRA) ang pagtataas ng toll sa Cavitex.     Gagawin ang pagtataas sa darating na May 22 na dapat sana ay sa May 12 upang bigyan ng pagkakataon ang mga pampublikong drivers […]

  • Salary adjustment sa 2023 siniguro ng DBM

    TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na may salary adjustment sa hanay ng mga government employee sa  susunod na taon.     Tugon ito ng departamento sa hirit ng ilang unyon mula sa pampublikong sektor na itaas ang minimum salary ng mga empleyado ng gobyerno.     “The Department of Budget and Management […]

  • Diskusyon sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng Tsina sa West Philippine sea, nagpapatuloy

    HINDI tumitigil ang pag-usad ng pag- uusap na may kinalaman sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng China sa West Philippine sea.   Sa katunayan, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi ay may imbitasyon na silang inilabas para sa mga interesadong kumpanya na magtungo sa Pilipinas at mamuhunan sa exploration.   ” We […]