10 pang local government units, lumagda para sa flagship housing program ni PBBM
- Published on November 29, 2022
- by @peoplesbalita
NADAGDAGAN pa ng 10 local government units (LGUs) ang lumagda para maging partner ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa kanilang misyon na makapagpatayo ng isang milyong bahay kada taon sa susunod na anim na taon.
Ang naturang proyekto ay nasa ilalim ng flagship Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Layon nitong matugunan ang housing gap na 6.5 million units sa bansa.
Ang katatapos lamang na paglagda ay kasama na sa 28 na kabuuang bilang ng mga LGUs na pumirma sa memorandums of understanding (MOUs) sa DHSUD.
Ito ay para pormal nang maipursige ang housing projects sa kanilang mga area.
Sa 28 LGUs, nasa 11 ay nasimulan na ang ground breaking kasama na ang Quezon at Marikina sa National Capital Region (NCR).
Kabilang naman sa mga pinakaghuling LGU-enrollees ay ang Bohol province, ang lungsod ng Mandaue at Tagbilaran; Panglao, Bohol at anim na munisipalidad mula sa mga probinsiya ng Oriental at Occidental Mindoro.
Sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na dahil sa nag-uumapaw na suporta ng mga LGUs ay nasa right track daw ang housing program ng pamahalaan. (Daris Jose)
-
Panawagan ni PBBM sa sambayanang Filipino: ‘Solemn, peaceful’ na paggunita sa Undas
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang filipino para sa “mataimtim at mapayapa” na paggunita ngayong All Saints’ Day, Nobyembre 1 at All Souls’ Day, Nobyembre 2. “Isang mataimtim at mapayapang Undas sa ating lahat,” ayon sa Pangulo sa kanyang vlog na naka-upload sa kanyang official Facebook page. Ang paalala pa rin ng […]
-
PDEA: ‘HALAGA NG ILLEGAL DRUGS NA NAKATAGO PA SA EVIDENCE VAULT, NASA P14-B PA’
PUMAPATAK pa umano sa mahigit P14-bilyong halaga ng iligal na droga ang nasa kasalukuyang pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Sa panayam kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon, sinabi nito na batay sa kanilang pinakahuling inventory, umaabot na lamang sa nasabing halaga ang hawak nilang ipinagbabawal na gamot, mula sa lampas P22-bilyon. Paglalahad […]
-
Mga heinous-crime convicts, di dapat isama sa bawas sentensiya
ISINUSULONG nina Reps. Paolo Duterte (Davao City) at Eric Yap (Benguet) na hindi mapabilang ang mga personalidad na nahatulan sa ginawang karumal-dumal na krimen sa pagkuha ng bawas sentensiya sa kanilang hatol gamit ang probisyon na good behavior. Ang panukala ay nakapaloob sa House Bill 4649 na naglalayong takpan ang sinasabing butas o […]