• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

10 sugatan matapos araruhin ng SUV sa Parañaque City

SUGATAN ang sampung katao matapos silang araruhin ng isang SUV sa bahagi ng Baclaran Church sa Parañaque City noong Pebrero 12 , Miyerkoles.

 

Nangyari ang aksidente bago mag alas 10:00 ng gabi kung saan marami pang tao sa bahagi ng Baclaran dahil araw ng Miyerkules.

 

Ayon kay Major Jolly Santos ng Parañaque Police Community Precinct 11, bigla na lamang umandar ng mabilis ang kulay itim na Toyota Fortuner at nasagasaan ang mga naglalakad. Inararo rin nito ang apat na motorsiklo, isang e-bike at 3 card ng mga vendor.

 

Ang mga nasugatan na kinabibilangan ng 6 na babae at 4 na lalaki ay pawang dinala sa San Juan De Dios Hospital. Tatlo sa kanila ay malubha ang kondisyon.

 

Nasa presinto naman na ang driver ng SUV na si Allan Respecia na nagsabing bigla na lamang nag-accelerate ang kaniyang sasakyan.

 

Sinabi ni Soriano na malinaw na human error ang sanhi ng aksidente dahil sa halip na preno ay maaring silinyardor ng sasakyan ang naapakan ng driver.

 

Mahaharap si Respecia sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injury at damage to property (Daris Jose)

Other News
  • SSS, muling inilunsad ang pension boosters

    MAAARING mag-invest ang mga miyembro ng Social Security System sa kanilang pension fund dahil muling inilunsad ng SSS ang kanilang Pension Booster program.       Kilala noon bilang Workers and Investment Savings Program o WISP at WISP Plus, sinabi ni SSS President at CEO Rolando Macasaet na hinihikayat nila ang mga professionals at middle […]

  • PBBM, nakiisa sa Muslim community sa pagdiriwang ng Isra Wal Mi’raj

    NAKIISA si Pangulong Ferdinand R.Marcos Jr. sa Muslim community sa pagdiriwang ng ‘Isra Wal Mi’raj” o The Night journey and Ascension of the Prophet Muhammad.     “As one of the most celebrated events in Islam, The Night journey and Ascension of the Prophet Muhammad (peace be upon him) gives a perfect picture of the […]

  • Dahil sa korapsyon, 5 hanggang 6 na Cabinet members, sinibak sa puwesto

    ISINIWALAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may lima hanggang anim na miyembro ng kanyang gabinete ang sinibak nito dahil sa korapsyon.     “When I became President, I heard reports of corruption. So si [Acting Environment] Secretary [Jim] Sampulna is new because I fired them all. I won’t name anybody because it’s painful for […]