100 FILIPINO NURSES, WANTED SA 2 KLINIKA SA MARRAKECH
- Published on March 22, 2022
- by @peoplesbalita
NAGHAHANAP ng 100 Filipino nurses ang dalawang klinika sa Marrakech , ayon sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Moroccan capital city.
Sinabi ni Labor Attaché Dominador Salanga na ang POLO ay nagpadala ng dalawang memo na humihiling sa Philippine Overseas Employment Administration na maglaan ng mga slots para sa estado ng North Africa.
Ang kahilingan ay dumating wala pang isang taon mula nang magtatag ang POLO ng opisina sa Morocco.
Ang Morocco noon ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng labor office na naka-attach sa Philippine Embassy sa Tripoli, Libya.
Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay may taunang deployment ceiling ng 7,000 health care workers (HCWs) batay sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases’ Resolution 153.
“Out of the 7,000 slots, we have to request for 100. Remember, POEA has a special quota for Germany, a special project for nurses under JICA (Japan International Cooperation Agency) so we deploy nurses, caregivers to Japan. These 6,500 to 7,000 is actually spread out and Saudi Arabia takes the pie on top of their usual recruitment office for nurses,” sabi ni Salanga.
Nagtakda ang POLO Rabat ng pamantayan sa kwalipikasyon para sa mga nars na papayagang magtrabaho sa Morocco, kung saan ang French at Arabic ang malawak na sinasalitang wika.
Sinabi ng opisyal na ang mga nars ay dapat may Level B na kasanayan sa wikang Pranses at dalawa hanggang tatlong taong karanasan.
“The doctor can speak English but the nurse would be handling a patient so if you have a patient who only speak French or Arabic and you have a Filipina nurse who is a skilled nurse but unable to speak or understand the language, you are handling lives so it can be the cause of injury,” ayon Kay Salanga.
Mayroong hindi bababa sa 4,600 Pilipino na nagtatrabaho sa Morocco, na karamihan ay nagtatrabaho sa mga beauty center o sambahayan. GENE ADSUARA
-
DOTr: Drivers at operators ng mga PUVs dapat sumunod sa seryosong paglilinis ng mga sasakyan
Muling umapela ang Department of Transportation (DOTr) sa mga operators at drivers ng mga public utility vehicles (PUVs) na seryosong maglinis o mag disinfect ng mga kanilang mga sasakyan. Hiniling ito ng DOTr matapos na mahuli at makita sa isang video ang tauhan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) na mabilis lamang […]
-
Balik-tanaw sa 18th Asian Games 2018
NAKOBERAN po ng inyong lingkod ang 18th Asian Games sa mga lungsod ng Jakarta at Palembang sa Indonesia noong Agosto 18-Setyembre 2, 2018. Dalawa lang kami ni kasamang Manolo ‘Bong’ Pedralvez ng Malaya Business Insight na na-aasigned sa Palembang. Ang mga kasama namin sa Philippine media pool na sina Lorenzo Lomibao, Jr. ng Business […]
-
PDU30, magsasalita sa UN General Assembly debate bukas, Setyembre 21
INAASAHAN na magsasalita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa United Nations (UN) at isulong ang posisyon ng bansa sa mga usapin na may kinalaman sa pagtugon ng gobyerno ng Pilipinas sa coronavirus (COVID-19) at human rights. Ayon sa kalatas na ipinalabas ng Malakanyang, magsasalita ang Pangulo sa unang araw ng High-Level General Debate ng […]