• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WHO ikinatuwa ang primary result ng dexamethasone mula UK vs COVID-19

Ipinagmalaki ni World Health Organization Director-General Tedros Ghebreyesus ang initial clinical trial result mula sa United Kingdom na nagpapakita ng pagiging epektibo ng isa sa mga posibleng gamot laban sa coronavirus disease.

 

Ang dexamethasone ay isang uri ng corticosteroid na kaya umanong pagalingin ang mga COVID-19 positive patient na nasa malubhang kalagayan. Habang may kakayahan din itong pababain ng one-third ang tsansa na mamatay ang isang pasyente .

 

Batay pa sa preliminary findings ng ahensya, kaya rin nitong bawasan ng one-fifth ang tsansa na mamatay ang mga pasyenteng nangangailangan ng oxygen o ventilator support subalit hindi makikita ang benepisyo ng naturang gamot sa mga mild cases.

 

Nagpaabot din ng pagbati si Ghebreyesus sa gobyerno ng Britanya, University of Oxford, at pati na rin sa lahat ng ospital at pasyente sa UK na nagtulong-tulong para maisakatuparan ang tinaguarian ngayong “lifesaving scientific breakthrough.”

 

Taong 1960 pa ginagamit ang murang steroid na ito para sa mga taong may rheumatoid arthritis, asthma at sakit sa balat. Kasama rin ito sa listahan ng WHO Model List of Essential Medicines noong 1977 na kasalukuyan ng off-patent at murang mabibili saan mang dako ng mundo.

 

Patuloy naman na hinihintay ng mga researchers ang full data analysis ng trial mula sa WHO. Nakatakda ring maglabas ang ahensya ng meta-analysis na magbibigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa gamot. Inaasahan na rin ang gagawing update ng WHO sa kanilang clinical guidance kung paano at kailan gagamitin ang dexamethasone kontra COVID-19.

 

Una rito ay pinuri ni United Kingdom Prime Minister Boris Johnson ang tagumpay ng kanilang bansa ngunit binigyang-diin ng prime minister na hindi ibig sabihin nito ay pwede nang balewlain na lang ang umiiral na social distancing sa UK. (Daris Jose)

Other News
  • COVID-19 testing itaas sa 150K kada araw

    Nanawagan ang OCTA Research Group sa pamahalaan na kailangang itaas sa P150,000 kada araw ang COVID-19 testing upang mas epektibong matukoy ang mga nagkakasakit at agad na mailayo sa ibang tao.     Sinabi ni OCTA member Prof. Guido David na dapat itaas sa 75,000 ang testing sa National Capital Region (NCR) pa lamang at […]

  • SHARON, nagbiro na handa nang kunin ni Lord ‘pag nakilala si KEANU REEVES; naglambing kina MANNY at JINKEE

    NAALIW kami sa IG post ni Megastar Sharon Cuneta na kung saan pinasalamatan niya si Sen. Manny Pacquiao sa binigay nito sa inaanak na si Miguel na masayang-masaya.     Caption niya, “My son Miguel is over the moon right now! His godfather/Ninong Sen. Manny Pacquiao sent him his promised autographed boxing glove!!! Thanks so […]

  • ANDREA, nakabibilib sa pag-handle ng break-up at pag-move on kay DEREK na mabilis na nakahanap ng kapalit

    HINDI biro ang naging investment ng Kapuso actress na si Andrea Torres sa relasyon nila ni Derek Ramsay hanggang biglang umamin ang huli na break na nga sila.     And months after, may nahanap na agad na kapalit ni Andrea ang actor, na as we all know, ang ina ng anak ni John Lloyd […]