100 pekeng accounts na pag-aari ng pulis at military sa Pilipinas, binura sa Facebook
- Published on September 25, 2020
- by @peoplesbalita
DUMISTANSIYA ang Malakanyang sa naging hakbang ng Facebook kung saan mahigit 100 pekeng accounts ang na-trace na pag-aari ng police at military units ng Pilipinas ang tinanggal dahil sa “coordinated inauthentic behavior” (CIB).
“We leave to the sound judgment and discretion of the popular global social networking company,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Sa kabilang banda, tiniyak naman ni Sec. Roque na kaisa sila sa pagtataguyod sa katotohanan at pagbasura sa disinformation, kasinungalingan at pagkamuhi.
“We hope the social media giant would exercise prudence in all its actions to remove any doubt of bias given its power, influence and reach,” ayon kay Sec. Roque.
Sa ulat, sa isang online press conference, sinabi ni Facebook cybersecurity policy chief Nathaniel Gleicher na karamihan sa content ng mga pekeng accounts na mina-manage ng mga taong konektado sa iba’t-ibang police at military agencies, ay puro mga kritisismo ng oposisyon, aktibismo, at komunismo.
Ayon kay Gleicher, ang domestic network ay binubuo ng nasa 57 Facebook accounts, 31 pages, at 20 instagram accounts.
Ang sites ay mayroong mahigit 276,000 followers sa Facebook at 55,000 naman sa Instagram.
Aniya, pinaka active ang network simula 2019 noong nasa kasagsagan ng usapin ang Pilipinas tungkol sa Anti-Terrorism Act.
Dagdag pa ni Gleicher, ang Philippine-based operation, ang ikalawa sa dalawang networks na engaged sa coordinated inauthentic behavior na layuning makipag-ugnayan sa mga Pilipino sa Southeast Asian region.
Habang ang unang network naman ay na-trace na pinapatakbo ng isang grupo ng mga indibiwal sa Fujian province sa China.
Ang mga pekeng accounts at pages, ayon kay Facebook head of security policy Nathaniel Gleicher, ay na-trace sa ilang indibidwal mula sa Fujian Province of China.
Kabilang sa binura ang mga hindi tunay na accounts at pages na sumusuporta sa Pangulong Rodrigo Duterte at sa posibleng presidential bid ng anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Sinabi ni Gleicher na nagpopost ng mga impormasyon sa mga pekeng Facebook pages at accounts sa wikang Chinese, Filipino at English. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
4Ps cash grant, mas praktikal kaysa sa pamamahagi ng bigas
MAS PRAKTIKAL ang pamamahagi ng cash grants kaysa sa aktuwal na pamamahagi ng bigas sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Sinabi ito ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Assistant Secretary Romel Lopez at tagapagsalita ng departamento matapos irekumenda ng National Food Authority ang pagbili at pamamahagi ng bigas sa halip […]
-
SANYA, maagang ‘nagpainit’ sa sexy bikini photos na pinost
AFTER ng tatlong lock-in taping ng top-rating GMA Primetime romantic comedy series na First Yaya, topbilled by Gabby Concepcion and Sanya Lopez, nagkaroon muna sila ng break. Bale pahinga ng cast at production staff, kaya naman inimbita ni Gabby ang mga kasama niya sa kanyang beach resort sa Batangas. ‘Nagpainit’ si […]
-
‘Tiny bubbles’ policy sa MECQ mananatili
Mananatili pa rin ang small bubbles o tiny bubbles policy kung saan hindi pa rin papayagan ang mga indibidwal na makapamili ng mga basic goods sa labas ng kanilang mga siyudad o municipalties. Ang paalala ay ginawa ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar para sa publiko partikular sa mga residente sa National Capital […]