• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

100 undocumented Filipino workers naharang

NAHARANG ng Bureau of Immigration (BI) ang tinatayang 100 undocumented na manggagawang Filipino ang naharang sa Zamboanga International Seaport (ZIS).

 

Ayon kay BI Commisioner Jaime Morente, nasa kabuuang 110 kababaihang pasahero ang naharang sa tatlong magkakahiwalay na pagkakataon ng mga tauhan ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU).

 

Dagdag pa nito, nagtangkang sumakay ng MV Antonia 1 patungong Sandakan, Malaysia ang unang 37 biktima.
Sa ulat ni ZIS Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) Head Usman Sabdani, hindi magkakatugma ang ibinigay na pahayag ng mga pasahero at nagprisinta rin ng pekeng pasaporte at ilang supporting documents.

 

Natuklasan din na karamihan sa mga ito ay patungong Qatar at Dubai, kung saan hinikayat silang magtrabaho ng iligal o walang tamang dokumento para sa kanilang pag-empleyo.

 

Habang ang 73 iba pang pasahero ay hinikayat naman na magtrabaho bilang household service workers at caregivers sa Dubai, Qatar, Bahrain, Lebanon, at Kuwait.

 

Napag-alaman na ang nasabing mga pasahero mula sa iba’t ibang lugar sa bansa at nirecruit ng mga ahensya na karamihan ay sa pamamagitan ng Facebook.

 

Sabi pa nito, ginagamit ang Malaysia bilang jump-off point sa Middle Eastern countries kung saan sila inalok ng trabaho.

 

“These illegal syndicates are seemingly attempting to look for other exit points to be able to evade strict immigration inspection,” said Morente.

 

“What they have not realized is that we have spread out our personnel, and are maintaining the same level of screening in all ports in the country, to ensure that our kababayan will not be victimized by these unscrupulous individuals,” dagdag pa ni Morente.

 

Naiturn over na sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa kaukulang tulong at pagsisiyasat.

 

“We are pushing that cases be filed against their illegal recruiters. This is clearly a case of human trafficking, and even those from the north travel all the way to Zamboanga in an attempt to depart illegally to work abroad.”

 

“These schemes will not pass, as we are intent in doing our mandate in protecting Filipinos from these syndicates,” babala pa ni Morente. (Gene Adsuara)

Other News
  • FAN-LESS GAMES, LEBRON BOYKOT SA NBA

    BINABALAK ng NBA na magkaroon ng ilang laro na hindi magpapapasok ng mga fan sa game venue upang maiwasan ang pagkahawa sa nakamamatay na coronavirus.   Hindi sang-ayon dito si NBA Lakers supertstar LeBron James na maglalaro sila ng walang fans na nanonood dahil sa banta ng coronavirus o COVID19.   “We play games without […]

  • Bagong cease and desist order ng NTC vs ABS-CBN, ‘di makakaapekto sa franchise hearing – House leader

    Nilinaw ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Jose Antonio Sy-Alvarado na hindi makakaapekto sa magiging desisyon ng Kamara sa franchise bid ng ABS-CBN ang inilabas na alias cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).   Ito ay matapos na ipinahinto kahapon ng NTC ang broadcast operations ng Sky Direct […]

  • NBI, inaresto ang 2 kataong nagsasagawa nang ‘di otorisadong home service covid swab test

    Agad isinalang sa electronic inquest proceedings sa City Prosecutor ng Quezon City ang dalawang kataong inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa hindi nila otorisadong pagsasagawa ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) swab testing sa Quezon City.     Patong-patong na kaso ang isinampa sa mga suspek kabilang na ang apat na bilang ng […]