107K paslit sa NCR, target mabakunahan ng DOH
- Published on November 21, 2024
- by @peoplesbalita
TARGET ng Department of Health- Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) na mabakunahan at maprotektahan laban sa mga vaccine-preventable diseases ang mahigit sa 107,000 paslit sa National Capital Region (NCR).
Ito ay sa ilalim ng catch-up immunization campaign na inilunsad ng DOH sa Caloocan Sports Complex sa Caloocan City, at dinaluhan ng mahigit sa 250 paslit, mga buntis at mga nakatatanda.
Ayon sa DOH, nasa 107,995 paslit sa NCR, na nagkakaedad ng 0-23 buwan, ang kanilang nais mabigyan ng BCG vaccine, Hepatitis B, bivalent oral polio vaccine (bOPV), pentavalent vaccine, pneumococcal conjugate vaccine (PCV), inactivated poliovirus vaccine (IPV), at measles, mumps, and rubella (MMR) vaccine.
Ang mga buntis ay bibigyan naman ng DOH ng bakuna laban sa tetanus-diphtheria (TD) habang ang mga senior citizen naman ay pagkakalooban din ng mga kinakailangan nilang bakuna.
-
RIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN
TODAS ang isang 23-anyos rider habang malubha namang nasugatan ang kanyang angkas matapos bumangga sa isang pampasaherong jeep ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw. Dead-on-arrival sa Tondo General Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Arvin Sarmiento, helper ng 35 B Anneth St. Marulas, Valenzuela city. […]
-
The Game is On: Tune Squad, Ready to Join LeBron James in Space Jam: A New Legacy
NEW trailer alert for Warner Bros. Pictures’ Space Jam: A New Legacy. LeBron James and the Tune Squad only have one shot to win the highest stakes game of their lives. Watch them battle it out on the court against the Goon Squad in the new animated/live-action event this 2021. […]
-
Trabaho at hindi gala ang ginagawa ni PBBM
ITO ang iginiit nina House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin at Anakalusugan Party-list Rep. Ray Reyes sa ginawang foreign travels ni Pangulong Marcos. Ayon sa mga mambabatas, ginagampanan lamang ng pangulo ang kanyang tungkulin sa pagnanais na palakasin ang diplomatic ties at makakuha ng foreign investments, na makakapagbigay ng mahabang benepisyo sa bansa. […]