• January 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

RIDER PATAY, ANGKAS SUGATAN

TODAS ang isang 23-anyos rider habang malubha namang nasugatan ang kanyang angkas matapos bumangga sa isang pampasaherong jeep ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw.

 

Dead-on-arrival sa Tondo General Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan si Arvin Sarmiento, helper ng 35 B Anneth St. Marulas, Valenzuela city.

 

Inoobserbahan naman sa naturang pagamutan sanhi rin ng mga pinsala sa ulo at katawan ang kanyang back rider na si Dexter De Asis, 29, delivery helper ng Sangandaan, Caloocan city.

 

Nahaharap naman sa kasong Reckless Imprudence resulting in Homicide at Serious Physical Injury ang driver ng Isuzu Jitney (PUJ) na may plakang (NWJ-921) na si Geniroso Vergara, 29 ng Dizon St., Brgy. 2, Caloocan city.

 

Sa nakarating na ulat kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., alas-12:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan ng A. Mabini St. corner P. Gomez II, Brgy. 5, habang minamaniobra ni Vergara ang naturang jitney nang sumalpok ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima na patungong Sangandaan sa kanang bahagi nito.

 

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang mga biktima at bumagsak sa simentadong kalsada na naging dahilan upang mabilis silang isinugod sa naturang pagamutan habang kusang loob naman na sumuko sa pulisya si Vergara. (Richard Mesa)

Other News
  • Payo ni PDu30 sa kanyang successor na magdeklara ng martial law para maalis ang korapsyon sa pamahalaan, “expression of frustration” lang – Roque

    NILINAW ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “expression of frustration” lang ang naging payo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang naging successor na magdeklara ng martial law para maalis ang korapsyon sa pamahalaan.   “It should not be taken literally,” ayon kay Sec. Roque.   “I think tinututukan lang ni Presidente na napaka-embedded sa […]

  • Maraño tinutukan ang BREN

    NAGDIWANG ang sambayanang Pilipino sa sa pagtanghal sa ng BREN Esports na kampeon nitong Linggo lang sa M2 World Championships 2020 sa Singapore kung nagantimpalaan pa nang tumataginting na $140,000 (P6.7M).     Isa sa mga buhos ang suporta sport at sa team ay ang Philippine SuperLiga (PSL) star na si  Abigail ‘Aby’ Maraño ng […]

  • Pacquaio vs Garcia pinaplantsa

    SA matunog na upakan nina eight-division world men’s boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao at World Boxing Council (WBC) interim lightweight champion Ryan Garcia nitong mga nagdaang linggo, ibinunyag naman nitong Biyernes ni MP Promotions President Sean Gibbons ang pagsisimulan ng usapan negosasyon ang dalawang kampo.     “They are ongoing and hopefully things will workout,” […]