• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

108 lugar sa bansa nasa ilalim ng state of calamity

UMAABOT  na sa 108 na lugar sa anim na rehiyon sa Luzon ang nasa ilalim ng state of cala­mity bunsod ng nagdaang bagyong ‘Egay’ at hanging habagat.

 

 

Nabatid sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 2,452,738 katao o 668,974 na pamilya sa 4,164 na barangays ang apektado sa Ilocos Region, Caga­yan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region.

 

 

Gayundin sa Western Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bangsamoro Autonomous Region, Cordillera Admi­nistrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).

 

 

Pansamantalang su­misilong ang 13,718 pamil­ya o 50,467 indibidwal sa 736 evacuation centers.

 

 

Samantala, nananatili sa 25 ang naiulat na nasawi habang 52 ang sugatan.

 

 

Nasa 2.4 milyong Pilipino na sa buong bansa ang naapektuhan ng super typhoon Egay at ng habagat, kung saan libu-libo pa rin ang nasa evacuation centers.

 

 

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 668,974 pamilya o 2,452,738 katao ang naapektuhan ng ika-5 bagyo sa bansa ngayong taon.

 

 

Sa nasabing bilang, halos 14,000 pamilya o mahigit 50,000 indibidwal ang nasa loob pa rin ng 736 evacuation centers, karamihan sa Central Luzon at Ilocos Region.

 

 

Nananatili sa 25 ang bilang ng mga nasawi dahil sa nagdaang bagyong Egay, na may 2 kumpirmadong namatay at 23 pa rin ang sumasailalim sa validation.

 

 

Karamihan sa mga naiulat na namatay ay nasa Cordillera Administrative Region (CAR) na may 12, kasunod ang Ilocos Region na may 8.

 

 

Hindi bababa sa 52 katao ang nasugatan habang 13 ang nanatiling nawawala. (Daris Jose)

Other News
  • New Trailer to Camila Cabello’s Upcoming ‘Cinderella’ Film Revealed

    AMAZON Prime, the streaming site has revealed the trailer for the upcoming musical movie, Cinderella and will start streaming this September 3.     Watch the new trailer here: https://www.youtube.com/watch?v=T1NeHRuPpoM     Cinderella is a new and musically driven take on the fairy tale we all grew up with. It centers on an ambitious young woman, played […]

  • CONDOTEL para sa mga seamen ipapatatayo sa NCR – DOTr

    Nagkaisa ngayon ang Department of Transportation (DOTr), Marino Partylist at Associated Marine Officers’ and Seamen’s Union of the Philippines (AMOSUP) na magtayo ng CONDOTEL para sa mga seafarers.     Ang pagsasama ng grupo ay isinabay sa pagpirma sa Memorandum of Understanding (MOU) kaugnay sa 47th Anniversary ng MARINA.     Ang pagpapatayo ng CONDOTEL […]

  • NBA players na nabakunahan, nasa 95 % na

    Dumami pa ang bilang ng mga NBA players na naturukan na ng COVID-19 vaccines.     Ayon kay NBA executive director Michele Roberts na nasa halos 95 percent ng mga manlalaro na ang nakatanggap na ng kanilang first dose.     Ang nasabing pagtaas ng bilang ng mga nagpapabakuna ay bunsod ng kautusan na limitado […]