10M Pinoy jobless sa COVID-19 crisis – DSWD
- Published on July 17, 2020
- by @peoplesbalita
Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na halos nasa 10 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng coronavirus disease o COVID-19 crisis.
“The health crisis alone has created deep impacts on the economy, as well as our fellow Filipinos’ livelihood and well-being, with prospects of an estimated 10 million Filipinos losing their jobs, the repatriation of nearly 70,000 displaced overseas Filipino workers, and the increasing number of Filipinos involuntary hunger among others,” ani DSWD Secretary Rolando Bautista.
Sa kabila nito, siniguro naman ng DSWD na kumikilos na ang mga ahensyang nasa ilalim ng Human Development and Poverty Reduction Council.
Batay kay Bautista, ang core strategies ng council ay education, health, social protection, at building opportunities para sa mga Pilipino.
Samantala, sinabi naman ng Department of Labor and Employment na may ilan silang programa para matulungan ang repatriated overseas Filipino sa kanilang sitwasyon.
Inilahad ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang isang Balik Pilipinas, Balik Hanapbuhay program kung saan binibigyan ng P20,000 ang OFWs para makapagsimula ng kanyang negosyo.
Maging ang mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build Program ay para rin sa boost construction jobs.
“This will revive the construction industry and we hope to generate not less than 400,000 working opportunites,” lahad ni Bello.
Isa pang programa ang DOLE Integrated Livelihood Program kung saan binibigyan ang OFWs at iba pang manggagawa na bigyan ng loan na may “very minimal interest” para makapagsimula sa negosyo. (Daris Jose)
-
Russia, nag-anunsiyo ng humanitarian ceasefire sa Ukraine
INIHAYAG ng Moscow ang isang humanitarian ceasefire sa Ukraine upang mabigyang daan ang pagsagawa ng paglikas ng civilian population. Nagdeklara ng isang “regime of silence” ang Russian Federation at handang magbigay ng mga humanitarian corridor. Ang civilian evacuations ay naganap lalo na mula sa bayan ng Sumy, kung saan umalis ang […]
-
ANDREW, palaban at walang uurungan sa mga kakaibang roles; dream project na makagawa ng BL series
DREAM project pala ng Kapuso actor na si Andrew Gan na makagawa ng BL o Boys’ Love series bago pa ito sumikat dahil malaking challenge ito sa para sa kanya. At mukhang dininig na ang pinag-pray niya dahil dumating na ang inaasam-asam na project sa pagkakapili sa kanya na maging lead sa BL […]
-
Heat players Adebayo at Dragic kuwestiyonable pa ring makapaglaro sa Game 4
LABIS pa ring umaasa sina Miami Heat players Bam Adebayo at Goran Dragic na payagan na sila ng kanilang mga team physician na makapaglaro sa Game 4 NBA finals laban sa Los Angeles Lakers. Sa ngayon kasi ay question- able pa rin ang status ni Adebayo dahil sa neck strain habang si Dragic ay […]