• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 17th, 2020

Ads July 17, 2020

Posted on: July 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

COPA aayuda sa swimming – Buhain

Posted on: July 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inihayag ni two-time Olympian at SEA Games swimming record holder Eric Buhain na handa ang Congress Organization in Philippine Aquatics (COPA) Inc. na  tulungan ang mga coach, trainer at iba pang indibidwal sa sector ng sports na apektado ng COVID-19 pandemic.

 

“Actually, nabuo namin ang COPA kasama ang mga kapwa ko swimming coach at mga kaibigan bago pumutok ang COVID-19. Kasama sa programa namin ang magsagawa ng trainings at seminars, but with COVID-19 pandemic, natuon ang pansin namin sa fund-raising para matulungan natin ang ating mga kasama na umaasa sa swimming,” pahayag ni Buhain.

 

Gumagawa na rin ng programa ang COPA, bukod sa maliit na halagang ayuda,  para mabigyan ng ‘loan’ ang mga swimming coach at trainor at makapagtayo ng maliit na negosyo tulad ng online selling.

 

“Natutuwa kami at marami tayong mga kaibigan na talagang nagbigay ng tulong, so far mahigit 500 swimming group na ang tumutulong sa COPA. Yung unity at malasakit  sa swimming community,” sambit ni Buhain sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ via zoom sa pamamagitan ng Sports on Air at livestream sa YouTube at Facebook.

 

Sa kasalukuyan, suportado ni Buhain ang panawagan ng swimming community na maaprubahan ng Inter-Agency Task Force ang pagbabalik ng swimming.

 

“May mga pag-aaral naman na talagang nagsasabi, mismong DOH sinabi na namamatay ang virus sa tubig na may chlorine at acid which is matatagpuan sa tubig sa swimming pool. Under strict health protocol, kaya naman na maibalik na ang swimming,” sambit ni Buhain.

 

“Itong swimming sports naman ay hindi yung magtatampisaw at magsasama ang mga bata. Per lane naman ito, isang swimmer per lane at salubungan. Besides, dadaan sila sa rapid test before sumabak kaya mababa ang tsansa sa hawaan,” ayon kay Buhain sa sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC) at PAGCOR.
“We have to be positive, I think ito ang thinking ng lahat ng kapwa ko atleta lalo na yung mga nag-qualified na sa Tokyo Olympics,” aniya.

Franchise ng Blackwater sa PBA ibinebenta na

Posted on: July 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nagdesisyon ang may-ari ng PBA team Blackwater Elite na ibenta na ang kanilang franchise.

 

Sinabi ni team owner Dioceldo Sy, na ibinebenta na nila ang kanilang franchise sa halagang P150 million.

 

Dagdag pa nito na napilitan na silang ibenta ito matapos na sila ay patawan ng multa ng Philippine Basketball Association (PBA) at Games and Amusement Board (GAB) dahil sa paglabag sa health protocols.

 

May kaugnayan ang multa ng magsagawa sila ng ensayo na lumalabag sa strict health and safety protocols.

 

Inamin nito na nasaktan siya sa insidente kaya nagdesisyon na lamang sila.

Flattening of the curve’ sa COVID-19 naabot na – Duque

Posted on: July 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Naabot na ng Pilipinas ang tinatawag na ‘flattening of the curve’ ng mga kaso ng COVID-19 mula noong Abril pa, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

 

“We have successfully flattened the curve since April,” ayon kay Duque sa isang online press conference kahapon.

 

Iginiit niya na ang kaniyang kon­klusyon ay base sa mas mahabang pagdoble ng kaso ng COVID-19 at ng bilang ng mga nasasawi. Mula sa 2.5 araw bago magdoble ang bilang ng mga kaso, nasa 8-12 araw na umano ito ngayon bago magdoble.

 

Dulot umano ito ng malaking ibinuti ng programa at pagresponde ng pamahalaan sa COVID-19 tulad ng mga quarantine protocols at pagpapalakas ng kapabilidad ng health system.

 

Sa Metro Manila, may average na 8.89 araw bago magdoble ang mga kaso habang 8.25 araw naman sa Cebu City.  Sa buong bansa, may average na 8.18 araw bago magdoble umano ang mga kaso.

 

Ngunit inamin naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas mataas ang average na kada araw ng COVID-19 na 766 ngayong Hulyo kumpara noong Hunyo. Dulot umano ito ng pagtaas sa mga kaso sa mga binabantayang lugar at clustering o pagkakakumpol-kumpol nito sa mga komunidad.

ASEAN Basketball League tuluyan nang kinansela ngayong taon

Posted on: July 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tuluyan ng kinansela ng ASEAN Basketball League ang bagong season ngayong taon dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

 

Ayon sa liga, na kanila ng itutuloy ang mga laro sa 2021.

 

Labis kasi naapektuhan ang liga sa ipinatupad na lockdown kaya minabuti nilang kanselahin na lamang ang season.

 

Magugunitang noong Marso 13 ng kinansela na nila ang mga laro matapos na ipatupad ang lockdown sa maraming bahagi ng bansa.

NTF may kondisyon sa planong ‘limited face-to-face learning’ ng CHED, DepEd

Posted on: July 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nagbigay ng ilang kondisyon at guidelines si National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. kaugnay sa binabalak ng Commission on Higher Education (CHED) at Department of Education (DepEd) na posibleng pagkakaroon ng limited face-to-face learning sa mga paaralan.

 

Sinabi ni Sec. Galvez, dapat may dormitoryo kung saan mananatili ng ilang buwan ang mga estudiyante at isasailalim sila sa RT-PCR test bago papasukin at kung lalabas, panibagong test pagbalik.

 

Sa mga paaralan naman sa elementarya at sekondarya, kailangang magsagawa muna ng inspeksyon at kailangang alisin ang mga playground kung saan hindi makokontrol ang pagkukumpulan ng mga bata.

 

Kailangan din daw walang canteen na parang buffet style dahil dito posibleng magkakahawaan ng virus lalo walang face mask pag kumakain at magkakaharap pa.

 

Idinagdag pa ni Sec. Galvez na dapat din magkaroon ng re-engineering sa mga paaralan para sa isang entry gate at isang hiwalay na exit gate para hindi magkakasalubungan ang mga bata.

Paggamit ng motorcycle shields simula na sa Hulyo 20

Posted on: July 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Simula sa Lunes, Hulyo 20 ay istrikto nang ipa­tutupad ng pamahalaan ang paggamit ng motorcycle shields upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

 

Matatandaang noong Hulyo 10 ay pinayagan na ang pag-aangkas ng mga mag-asawa sa motorsiklo ngunit dapat na may physical barriers pa rin sila upang malimitahan ang virus transmission.

 

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, na siya ring vice chairman ng National Task Force against the pandemic (NTF), sa ngayon ay sinisita pa lamang at binabalaan ang mga magkakaangkas na wala pa ring barrier sa kanilang motorsiklo.

 

Gayunman, simula aniya sa Lunes ay uumpisahan na rin ng Joint Task Force (JTF)-SHIELD ang panghuhuli sa mga motorcycle riders na patuloy na lalabag at hindi pa rin gagamit ng barriers kung may angkas ito.

 

Sa ngayon aniya ay may dalawang motorcycle shields na aprubado na ng NTF COVID-19 kabilang ang dinisenyo ni Bohol Gov. Arthur Yap at ang iminungkahi naman ng Angkas.

 

Tiniyak naman ni Año na ang dalawang naturang disenyo ay pinag-aralan at kapwa ligtas na gamitin. (Daris Jose)

Bulacan, pasisinayaan ang kauna-unahang sariling molecular lab building

Posted on: July 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos ang isang buwang konstruksyon upang mabilisang makatugon sa pandemya, pasisinayaan na ang sariling Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory Building ng lalawigan sa Bulacan Medical Center Compound kanina.

 

“Inaasahang mapapalawak ng molecular lab facility ang kapasidad ng lalawigan na magsagawa ng mga test na mas mabilis at may tamang mga resulta. Ito ay mahalagang bahagi ng pagbawi at resiliency plan upang makatulong makapagbigay daan sa “new normal,” ani Fernando.

 

 

Sasamahan sina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ni Dr. Emily V. Paulino, Development Management Officer V ng Department of Health-Bulacan, Kenneth Samaco ng World Health Organization at Punong Bayan ng Guiguinto Ambrosio Cruz, Jr. sa pagbabasbas na pangungunahan ni Fr. Joseph Fidel Roura na susundan ng ribbon cutting ceremony.

 

 

Sinabi ni Fernando na makatutulong ang pasilidad na mapababa ng mga kaso dahil sa mas malawak na kapasidad nito na magsagawa ng mas maraming mga test at makuha ang resulta sa loob lamang ng ilang oras, dahilan para agad na malaman at matukoy kung sino ang negatibo at positibong pasyente para maiwasan ang posibleng pagkakahawaan.

 

 

“Naniniwala po tayo na isa sa mga susi upang mapabilis ang paglutas natin at mapigil ang paglobo ng mga pasyenteng may COVID-19 ay ang pagsasagawa ng mass testing kung kaya naman sinikap ng inyong lingkod na magkaroon tayo ng sarili nating pasilidad upang hindi na tayo makipagsiksikan sa ibang laboratoryo at maghintay ng matagal upang malaman kung tayo ay positibo o negatibo sa COVID-19,” ani Fernando.

 

 

Aniya, tulad ng inilunsad kamakailan at ngayo’y bukas na na Bulacan Medical Center GeneXpert Laboratory, magagamit din ang Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory para suriin ang mga specimen para sa TB, flu, HIV at Hepatitis B and C sa pamamagitan ng polymerase chain reaction machine (PCR), DNA at RNA na maaaring sumukat at magamit upang makita ang pagkakaroon ng partikular na uri mga virus at mikrobyo.

 

 

Ayon kay Dr. Hjordis Celis, Provincial Health Officer II, kayang magsagawa ng Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory gamit ang PCR, ng 96 tests na maglalabas ng resulta sa loob ng 3 hangang 4 na oras.

 

 

Bago ito opisyal na magbukas, sasailalim ang Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory sa competency examination at magsasagawa ng proficiency testing sa Agosto 3, 2020. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

10M Pinoy jobless sa COVID-19 crisis – DSWD

Posted on: July 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inanunsyo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na halos nasa 10 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng coronavirus disease o COVID-19 crisis.

 

“The health crisis alone has created deep impacts on the economy, as well as our fellow Filipinos’ livelihood and well-being, with prospects of an estimated 10 million Filipinos losing their jobs, the repatriation of nearly 70,000 displaced overseas Filipino workers, and the increasing number of Filipinos involuntary hunger among others,” ani DSWD Secretary Rolando Bautista.

 

Sa kabila nito, siniguro naman ng DSWD na kumikilos na ang mga ahensyang nasa ilalim ng Human Development and Poverty Reduction Council.

 

Batay kay Bautista, ang core strategies ng council ay education, health, social protection, at building opportunities para sa mga Pilipino.

 

Samantala, sinabi naman ng Department of Labor and Employment na may ilan silang programa para matulungan ang repatriated overseas Filipino sa kanilang sitwasyon.

 

Inilahad ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang isang Balik Pilipinas, Balik Hanapbuhay program kung saan binibigyan ng P20,000 ang OFWs para makapagsimula ng kanyang negosyo.

 

Maging ang mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build Program ay para rin sa boost construction jobs.

 

“This will revive the construction industry and we hope to generate not less than 400,000 working opportunites,” lahad ni Bello.

 

Isa pang programa ang DOLE Integrated Livelihood Program kung saan binibigyan ang OFWs at iba pang manggagawa na bigyan ng loan na may “very minimal interest” para makapagsimula sa negosyo. (Daris Jose)

Ilang kolehiyo sa bansa, posibleng magsara

Posted on: July 17th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MALAKI ang posibilidad na may ilang kolehiyo sa bansa ang magsara bunsod ng kakulangan sa mga enrollees.

Ito ang sinabi ni CHED Commissioner Dr. J. Prospero “Popoy” E. De Vera III sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules, Hulyo 15.

Ani De Vera, natatakot kasi ang mga magulang para sa kaligtasan ng kanilang mga anak sa gitna ng coronavirus disease 2019 pandemic.

“Meron na pong ilang eskwelahan na nagsabi sa CHED na magsasara sila dahil yung enrollment po ay talagang bumaba, natatakot ang mga magulang at estudyante at mayroon na pong ilang nag-report sa CHED,” ani De Vera.

“Ang problema po, wala kaming policy sa pagsara kasi itong COVID ay hindi pa nangyari sa matagal na panahon, so we’re only crafting it,” dagdag na pahayag nito.

May ilan aniyang private schools at local governments ang nalilito sa kung ano ang kanilang gagawin ukol sa pagpasok sa mga lugar na walang internet connection.

“Pero humihingi ho ko ng guidance ‘yung mga private schools, in particular, atsaka local governments kasi hindi ho nila alam ang gagawin lalo sa mga area na wala talagang internet connection,”aniya pa rin.

Nauna rito, ipinanukala ni De Vera na i-delay o iurong sa second semester ang klase na kailangan ang person-to-person interaction.  (Daris Jose)