10th LBC Ronda: Pangarap ni Tugawin sa Team Tarlac
- Published on February 25, 2020
- by @peoplesbalita
PANGARAP ni Ryan Tugawin ng Tarlac Central Luzon na makilala sa larangan ng cycling kaya nais niyang makatulong sa Team Tarlac, bukod pa sa manalo ng stage upang mapansin at maipakita na may husay ito sa piniling sport.
Naisakatuparan ng 30-anyos na siklista ang misyon 10th LBC Ronda Pilipinas 2020 nang makipagsabayan sa mga astig na siklista sa pinal na 20 metro ng karera para pamayagpagan ang Stage 2 ng nasabing bikathon na pinakawalan sa Sorsogon at magwawakas sa harap ng Legazpi City Hall.
May kumpol na mga pedalpusher paentra sa huling isang kilometro, nagpuwestuhan ang mga ito habang dumidiskarte ang tubong Solano, Nueva Viscaya na si Tugawin.
Nang makahulagpos umungos si Tugawin sa unahan at nakipagbakbakan kina Ismael Grospe Jr. ng Go For Gold at George Oconer ng Standard Insurance-Navy para sa gabuhok niyang panalo sa tiyempong tatlong oras, 50 minuto at 37 segundo sa 154.5 kilometrong harurutan.
“Medyo nakalusot mula sa likod, nakatutok lang po kasi ako, tapos si George (Oconer) umatake, hinabol ko,” kuwento ng magsasakang si Tugawin.
Sumegundo si Grospe habang tumersero si Oconer na kapareho ng oras kay Tugawin sa event, pero hindi sapat ang oras ni Tugawin para maagaw ang Red Jersey kay Stage 1 winner Mark Julius Bordeos ng Bicycology Shop-Army.
Nakakapit pa rin sa General individual classification si Bordeos sa tangang anim na oras, 56 minuto at 34 segundo, tatlong segundong abante kay No. 2 Jerry Aquino Jr. ng Scratch It at tig-anim na segundo kina Oconer at Rustom Lim ng 7Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines, na nasa 3-4, ayon sa pagkakasunod.
Larga ngayong araw ang Legaspi-Naga City Stage 3. (REC)
-
PDu30, tatalakayin sa kanyang successor ang problema ukol sa illegal na droga sa bansa
MAGDARAOS ng isang pulong o miting si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang successor para pag-usapan ang drug menace na patuloy na malaganap sa bansa. Sa kanyang Talk to the People, araw ng Martes, sinabi ng Pangulo na hihilingin niya sa susunod na Pangulo ng bansa na ipagpatuloy ang kanyang anti-narcotics drive dahil […]
-
“Venom” Is Back With A Vengeance, Sink Your Teeth Into The First Trailer For Sequel “Let There Be Carnage”
VENOM is back, with a vengeance! Sink your teeth into the first official Venom: Let There Be Carnage trailer which has just been released by Columbia Pictures. The upcoming Spider-Man spinoff film is the sequel to 2018’s Venom. Watch the trailer below: YouTube: https://youtu.be/QDcJShzg6HI Following the success of the first film, Sony […]
-
Ads May 17, 2021