• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

11-K Pulis ipakakalat sa NCR para magbigay seguridad sa paggunita ng Semana Santa

SINIMULAN na ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mag deploy ng nasa 11,000 police personnel sa iba’t ibang panig ng Metro Manila.

 

 

Layon nito para masiguro ang seguridad para sa tahimik, maayos at mapayapang paggunita ng mga Katoliko sa Semana Santa.

 

 

Ayon kay NCRPO Spokesperson, P/LtCol. Jenny Tecson, inatasan na ni NCRPO Director, P/MGen. Felipe Natividad ang lahat ng District Police Directors nito na gawin ang ibayong hakbang para sa okasyon.

 

 

Partikular aniya rito ang paglalatag ng help desk sa mga places of convergence tulad ng mga Terminal ng Bus, mga Paliparan at Pantalan maging sa mga Simbahan at Mall gayundin sa iba pang mga pook pasyalan.

 

 

Pinayuhan naman ng NCRPO ang publiko na planuhing maigi ang kanilang pagbabakasyon at tiyaking susunod sa mga itinakdang minimum health protocols laban sa COVID-19. (Gene Adsuara)

Other News
  • P6K fuel subsidy sa jeepney at tricycle operators

    TARGET  ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB)  na makapagbigay ng P6,000 fuel subsidy sa mga operator ng pampasaherong jeep at tricycle sa susunod na buwan ng Agosto.     Sa QC forum, sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na plano nilang ibigay ang naturang subsidy upang makatulong sa naturang mga operators sa tumaas na […]

  • Feeling blessed sa magkasunod na serye: GABBI, kasama sa pagbabalik-tambalan nina RICHARD at JODI

    FEELING very blessed si Global Endorser Gabbi Garcia dahil after niyang gawin ang mystical primetime mega-serye na “Mga Lihim ni Urduja,” may kasunod agad siyang bagong project.       Makakasama ni Gabbi ang mga kapwa Encantadia stars niya na sina Kylie Padilla at Sanya Lopez, kasama rin nila sa cast sina Jeric Gonzlaes, Kristoffer Martin, […]

  • MOVIE ADAPTATION OF POPULAR TV ACTION-THRILLER “TOKYO MER” OPENS EXCLUSIVELY IN AYALA MALLS CINEMAS

    MOVED by the sight of medical practitioners and other essential workers risking their lives to save people at the height of the COVID-19 pandemic, TV producer Masanao Takahashi created Tokyo MER (stands for Mobile Emergency Room), a tribute to the heroes of the pandemic.      What started as a humble show of gratitude would go on […]