• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

11 malls sa bansa handa na sa BSKE

HANDA na ang 11 SM at Robinsons malls sa bansa na pagdarausan ng Barangay at SK Election sa October 30.

 

 

Ayon kay Comelec spokesman Atty. John Rex Laudiangco, kabilang dito ang 2 malls sa Cebu at isa sa Legaspi, Bicol at 8 sa Metro Manila tulad sa Robinsons Galleria at SM Fairview.

 

 

Kung maganda ang resulta ng mall voting ngayong BSKE ay maaa­ring gawin na nilang nationwide ang pagdaraos ng halalan sa mga malls, sabi pa ni Laudiangco.

 

 

Sa malls anya ay mas accessible ang lugar, maraming guard, malamig at maayos ang lugar na pabor sa mga voters.

 

 

May early voting naman ang magaganap sa Muntinlupa at Naga para sa mga buntis,PWD at Senior Citizens.

 

 

Hindi kasama ang mga OFW sa mga boboto sa BSKE dahil pang national positions lamang sila pinapayagan na bumoto.

 

 

Handa na rin aniya ang lugar na pagdarausan ng election para sa mga bilanggo at maging ang gagawing election sa EMBO barangays na nasa pangangasiwa na ng Taguig.

 

 

Maging ang 2 barangay sa Cavite at sa barangay Pasong Tamo para sa 3 barangay na natatanging pagdarausan ng automa­ted  BSKE.

 

 

Sinabi ni Laudiangco na ang resulta ng automated election sa 3 barangay na ito ang pagbabasehan kung gagawin nang automated ang sunod na BSKE election sa December 2025.

 

 

Ngayong BSKE ay may 8 barangay nationwide ang walang kandidato na Chairman at 124 barangay ang walang SK chairman na kandidato habang 543 barangay ay walang kandidato ng SK kagawad na maaaring hindi anya kumandidato dahil may mga kaanak na incumbent officials.

 

 

Sa QC, ang Barangay Silangan ang nailagay nila sa yellow alert dahil sa political rivalry.

 

 

Sa kabuuan anya ay handa na ang Comelec para sa BSKE.

Other News
  • Ads February 25, 2020

  • Dagdag gastos sa Tokyo Olympics, pinaplantsa na

    Magpupulong ngayong araw ang organizing committee ng Tokyo Olympics 2021 para pag-usapan ang karagdagang gagastusin nila sa opening at closing ceremonies.   Plano kasi ng organizer na gumastos ng karagadang $33.7 million.   Nauna ng mayroong $82 million ang inilaan na budget sa opening ceremony subalit dahil sa coronavirus pandemic ay hindi ito ipinagpatuloy.   […]

  • Consumers, ine-enjoy ngayon ang pagbagsak ng presyo ng asukal sa P70 kada kilo- PBBM

    TAPOS na ang paghihirap ng mga ordinaryong mamimili  dahil bumaba na sa P70.00 kada kilo ang  presyo ng asukal o retail price nito sa mga supermarkets at  groceries sa Kalakhang Maynila.     Pinagbigyan kasi ng mga nagmamay-ari ng supermarket at grocery chains ang request ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na ibaba nila ang presyo […]