• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

11 sabungero timbog sa tupada sa Navotas, Valenzuela

UMABOT sa labing-isang indibidwal ang nadakma ng mga awtoridad isinagawang anti-illegal gambling operation sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela at Navotas Cities.

 

 

Ayon kay PMSg Julius Mabasa, nakatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen ang District Special Operation Unit ng Nothern Police District (DSUO-NPD) sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Jay Dimaandal hinggil sa nagaganap na illegal gambling na kilala bilang Tupada sa Pinalagad, Brgy. Malinta.

 

 

Agad bumuo ng team ang DSOU sa pangunguna ni P/Capt. Melito Pabon saka pinuntahan ang naturang lugar, kasama ang 4th MFC RMFB at Valenzuela Police Sub-Station 4 dakong 11:50 ng umaga na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jericho Bajao, 29, Benjamin Adriano, 65, Manuelito Depala, 54, John Redondo, at 39, Nelson Adriano, 39, pawang residente ng Pinalagad Brgy., Malinta.

 

 

Narekober ng mga pulis ang dalawang patay na panabong na manok na may tari at P1,950.00 bet collection.

 

 

Sa Navotas, dakong alas-3:50 ng hapon nang salakayin din ng mga operatiba ng Navotas Police SOG/ Station Intelligence Unit sa pangunguna ni PLT Luis Rufo Jr, ang illegal na tupadahan sa Tulay Singko, Brgy. Daang-Hari na nagresulta sa pagkakaaresto kay Rolando Boquilon Jr, 27, Dionisio Grate, 52, Joseph Bryan Cruz, 34, Seaman at  Guilbert Quintong, 33.

 

 

Nakumpiska ng mga pulis ang dalawang panabong na manok na may tari at P600 bet money.

 

 

Nauna rito, alas-11 ng umaga nang matimbog din ng mga operatiba ng SOG-SIU sa illegal na tupadahan sa Bagong Silang St., Bgry. San Jose sina Alejandro Lagaras, 60 at Cristopher Sagadal, 45. Nakuha ng mga pulis ang dalawang panabong na manok na may tari at P820 bet money. (Richard Mesa)

Other News
  • Bestfriend and partners in crime: CASSY, tinawag na ‘DB’ si DARREN sa sweet birthday message

    SA Instagram page ni Cassy Legaspi ibinahagi niya ang photos nila Darren Espanto, kasama ang video ng kanilang bonding moments.     Mababasa rin ang birthday message ng Kapuso young star para sa Kapamilya singer na special na buhay niya, na nag-celebrate ng 22nd birthday.     “Happiest happiest birthday to my best friend, partner […]

  • Kinoronahan bilang ‘Miss Teen Universe’: KYLIE LUY, gustong patunayan na deserving para maging representative ng Pilipinas

    ANG dating The Voice Kids Philippines contestant na si Kylie ‘Koko’ Luy ay pumasok sa bagong larangan at determinado siyang magtagumpay.     Kahit na baguhan si Kylie sa beauty pageant, gustong patunayan ng 19-year-old na deserving para maging representative ng Pilipinas sa most prestigious and biggest teen pageant in the world.     Her crowning […]

  • Philippine beach volley teams handa na sa Vietnam SEAG

    MAYROON  nang sapat na eksperyensa ang national beach volleyball teams para lumaban sa gold me­dal sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 12-23.     Nagmula sa training camp sa Australia ang dalawang koponan kung saan humataw ang national men’s team ng gold habang isang gold at isang silver ang nakamit ng […]