TOP DRUG PERSONALITY NG NPD NA LIDER NG “ONIE DRUG GROUP”, TIMBOG SA BUY-BUST
- Published on September 4, 2020
- by @peoplesbalita
NATIMBOG ng mga awtoridad ang No. 1 drug personality ng Northern Police District (NPD) na lider din ng “Onie Drug Group” at kanyang kasama sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City.
Kinilala ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga naarestong mga suspek na si Renato Perez, alyas “Onie”, 32, (Watchlisted) No. 1 sa NPD Top 10 drug personality at leader ng Onie Drug Group, at Jumy Samson, 38, kapwa ng Brgy. 12.
Ayon kay Gen. Ylagan, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU)-District Special Operation Unit (DSOU) sa pamumuno ni PLTCOl Giovanni Hyacinth Caliao I mula sa kanilang impormante at mga barangay opisyal hinggil sa illegal drug activities ni alyas Onie sa Brgys. 12 at 8, at kalapit na mga barangay sa loob ng CAMANAVA.
Inginuso din si Perez ng kanyang bayaw na unang nahuli noong Mayo 11, 2020 at nakunan ng 70 gramo ng shabu at iba pang mga nahuling tulak bilang kanilang source ng illegal na droga.
Ala-1:50 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng DDEU-DSOU ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Tupda Village, Brgy. 8, Caloocan City kung saan isang undercover pulis ang nagawang maka-order ng P12,000 halaga ng shabu kay Perez.
Nang tanggapin ni Perez ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba kasama si Samson.
Nasamsam sa mga suspek ang aabot sa 110 gramo ng shabu na nasa P748,000.00 ang halaga, P1,000 tunay na pera na nakabugkos sa 11 pcs 1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money at sling bag. (Richard Mesa)
-
PBBM, Biden posibleng magkita at muling magpulong sa Abril– envoy
POSIBLENG muling magkita sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang kanyang US counterpart na si Joe Biden kapag nagtugma na available ang kani-kanilang iskedyul. Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez, inaayos na ang paghahanda para sa posibleng muling pagkikita at pagpupulong ng dalawang lider, pansamantalang itinakda sa […]
-
2022 polls: Presidential debate ng COMELEC, isasagawa sa Marso 19
INANUNSYO ng Commission on Elections (COMELEC) na sa darating na Marso 19 na nakatakda ang isasagawa nilang Presidential debate. Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, ito ang magiging kauna-unahang Presidential debate na pangangasiwaan ng poll body kaugnay sa national at local elections sa darating na Mayo. Sinabi ni Jimenez na lahat […]
-
Mass wedding, pinapayagan na ngayong pandemic – DILG
Kinumpirma ng Department of Interior and Local Government (DILG) na maaaring magsagawa ng mass wedding kahit nasa gitna pa ng pandemic ang bansa. Kailangan lamang daw siguraduhin ng mga local government units (LGUs) na nasusunod pa rin ang mga health protocols na ipinapatupad ng gobyerno. Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na papayagan […]