• March 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1,114 iskul sasalang sa dry run ng face-to-face classes

Nasa 1,114 paaralan ang inirekomenda ng Department of Education (DepEd) para magsagawa ng dry run sa face-to-face classes sa mga lugar na low risk sa COVID-19.

 

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, ang mga regional directors ng ahensiya ang nagrekomenda sa naturang mga paaralan pero sinabi ni Briones na kailangan pang suriin kung nagpapatupad ng health protocols ang naturang mga eskwelahan at kung aprubado ng mga magulang at local government units.

 

Maaari aniyang mabawasan ang bilang ng mga nominated schools oras na dumaan na ang mga ito sa kaukulang pagsusuri at pagkilatis.

 

Una nang pinayagan ng Malakanyang na makapagsagawa ng dry run para sa face-to-face classes sa mga lugar sa bansa na walang kaso ng COVID-19.

 

Gayunman, hindi compulsary at dapat boluntaryo ito kaya kailangan pa rin magsumite ang mga magulang ng permiso para makasali ang kanilang mga anak.

 

Itinakda ng DepEd sa Enero 11-23, 2021 ang dry run habang sa huling linggo ng Ene­ro ay ilalaan ang submission ng reports sa kinalabasan ng pilot face-to-face classes at evaluation para sa pinal na rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • 27.6 milyong estudyante, balik-eskwela

    MATAPOS ang dalawang taon, magbabalik-eskwelahan na ngayong Lunes ang mahigit 27.6 milyong mag-aaral sa bansa.     Sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2022-2023 na inilabas ng DepEd, nasa 27,691,191 na ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral.     Katumbas ito ng 100.47% o higit sa […]

  • US itinangging dahil sa cyber attacks ang nangyaring aberya sa paliparan

    ITINANGGI ni US na nagkaroon ng cyber attack matapos ang nangyaring aberya sa kanilang mga paliparan nitong Miyerkules ng gabi.     Ayon kay US Transportation Secretary Pete Buttigieg, na walang ebidensiya o indikasyon na nagkaroon ng cyber attack.     Ganun pa man ay hindi pa rin nila isinasantabi ang nasabing usapin at patuloy […]

  • CATRIONA, nai-record na ng ‘Bagani’ na gagamitin sa unveiling ng Metropolitan Theater ng NCAA

    PAGKATAPOS ng kanyang 14-day quarantine, hinarap agad ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang isang recording session.     Post ni Queen Cat on Instagram: “First day out of quarantine went something like.”     Si Jungee Marcelo ang kanyang music producer at and nire-record na awit ni Catriona ay ang song na “Bagani” na […]