• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

116 bagong kaso ng COVID Delta variant, na-detect – DoH

Naka-detect ang Department of Health (DoH) ng karagdagang 116 na bagong kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Dahil dito, mayroon nang kabuuang 331 Delta variant cases sa Pilipinas.

 

 

Maliban dito, mayroon ding 113 na bagong kaso ng Alpha, 122 naman ang bagong kaso ng Beta variant habang 10 ang bagong kaso ng P.3 o ang Philippine variant.

 

 

Sa bilang na 116 na mga bagong kaso ng Delta variant cases, 95 ang local cases, isa ang returning overseas Filipino (ROF) at ang 20 ay inaalam pa kung saan nagmula.

 

 

Nasa 83 cases dito ay may address sa National Capital Region (NCR), habang ang 3 ay mula sa Calabarzon, 4 sa Central Visayas, 2 sa Davao Region, 1 sa Zamboanga Peninsula, 1 sa Cagayan Valley, at 1 sa Ilocos Region.

 

 

Ayon sa DOH, ang lahat ng 116 na bagong Delta variant cases ay pawang gumaling na.

 

 

Ngayong araw din, nakapag-record ang DoH ng 8,127 na mga bagong kaso ng COVID-19, bagay na mas mataas kumpara nitong mga nakaraang araw. (Gene Adsuara)

Other News
  • Bilang ng mga adolescent mothers, bumaba sa 23.8K sa taong 2020

    INIULAT  ng Commission on Population and Development (PopCom) na bumaba ng 23,855 ang bilang ng mga kabataan na nanganak noong 2020.     Noong 2019, umabot sa 180,915 ang mga ipinanganak ng mga ina na wala pang 19 taong gulang at bumaba sa 157,060 noong nakaraang taon.     Ang isang malaking bahagi ng pagbaba […]

  • Irene Marcos Araneta, dumalo sa libing ni Queen Elizabeth

    TUMAYONG special representative ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang kapatid na si Irene Romualdez Marcos- Araneta sa state funeral ng Kanyang Kamahalan Queen Elizabeth II.     Kasama ni  Irene Romualdez Marcos- Araneta ang kanyang asawa na si  Gregorio María Araneta III.     Sa isang kalatas, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles,  ang […]

  • Muling pagbangon ng salt industry, isinulong

    KASUNOD na rin ng panawagang suporta para sa industriya ng asin sa bansa, isinulong ng isang mambabatas ang panukalang muling magpapabangon dito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang ahensiya na siyang magbubuo ng mga hakbang para sa modernisasyon at proteksyon ng naturang industriya.     Nakapaloob ito sa House Bill No. 5676 o Philippine Salt […]