POLICE WOMAN NAGPAPUTOK NG BARIL, ARESTADO
- Published on January 6, 2021
- by @peoplesbalita
Kalaboso ang isang police woman matapos walang habas na magpaputok ng kanyang service firearm makaraang makatalo ang kanyang live-in partner dahil umano sa selos sa pagsalubong ng Bagong Taon sa Malabon City.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Eliseo Cruz ang dinakip na si PSSg. Karen Borromeo, 39 ng Purok 6 Dulong Hernandez St., Brgy. Catmon at nakatalaga sa Malabon Police Sub-Station 4 na mahaharap sa kaukulang kaso.
Ayon kay BGen. Cruz, nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ni PSSg Borromeo at ng kanyang live-in partner dahil sa selos na naging dahilan upang walang habas na magpaputok ng kanyang service firearm ang pulis sa harap ng bahay sa No. 119 Dulong Herrera St. Brgy. Ibaba dakong 7:45 ng gabi.
Nang marinig ng isang sky cable installer na nasa roof top ng kanyang bahay ang sunod-sunod na mga putok ng baril ay agad niyang ipinaalam ang insidente sa Malabon Police Sub-Station 6.
Kaagad namang rumesponde sa naturang lugar ang mga tauhan ng SS6 sa pangunguna ni P/Lt. Mannyric Delos Angeles kung saan sumuko sa kanila si PSSg Borromeo at kanyang cal. 9mm Glock service firearm.
Narekober ng rumespondeng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene ang 14 basyo ng bala ng cal. 9mm pistol.
Ayon kay BGen. Cruz, si Borromeo ay positibo sa paraffin examination subalit, negatibo ito sa drug test at alcoholic breath.
Mariing sinabi ni BGen. Cruz na hindi uubra sa serbisyo ang mainit na ulong pulis kaya kailangang managot at harapin ang isinampang kaso.
“Erring Police Officer who will be caught indiscriminately fired their Service Firearm will be dealt accordingly and the Officers and Men of the Northern Police District assure the public that the full force of the law shall be applied in the case of PSSg Borromeo and let the wheel of justice roll,” ani PBen. Cruz. (Richard Mesa)
-
Housing unit, ipinagkaloob ng Valenzuela sa isang PWD Family
MISYON ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na magbigay ng inklusibong serbisyo para sa lahat, kaya naman pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian, sa pakikipag-ugnayan ng City Social Service and Development Office (CSWDO) at Housing and Resettlement Office (HRO) ang pagbibigay ng isang fully-furnished na housing unit sa isang PWD family sa Disiplina Village, Brgy. Ugong. […]
-
93 magsasaka, supporters inaresto sa ‘bungkalan’ sa Tarlac; red-tagging inireklamo
DINAMPOT ng pulisiya ang lagpas 90 aktibista’t magsasaka sa Concepcion, Tarlac, Huwebes, para sa reklamong “malicious mischief” at “obstruction of justice” sa isang sakahan — pero ayon sa mga grupo, benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program ang mga nabanggit noon pang 1998 at magtatanim lang. Ayon sa Police Regional Office 3, 9 a.m. […]
-
Matapos na maging box-office hit sa ‘Cinemalaya XX’: ‘Balota’ na pinagbidahan ni MARIAN, mapapanood na nationwide
MAGANDANG balita para sa mga supporter ng “Balota” ni Marian Rivera dahil mapapanood na ang nasabing Cinemalaya film sa mga sinehan nationwide simula October 16. Matatandaang nagwagi bilang 2024 Cinemalaya Best Actress si Marian sa kanyang pagganap bilang teacher Emmy. Ang “Balota” ay mula sa direksyon ni Kip Oebanda. Inanunsyo ito ng GMA […]