• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

116 Pinoy, nananatili pa rin sa Ukraine; 200 seafarers na-stranded sa karagatan

SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroong 116 land-based Filipino ang nananatili sa Ukraine, at 200 Pinoy seafarers naman ang na-stranded sa Black Sea sa gitna ng patuloy na pag-atake ng Russia.

 

 

Ayon kay DFA Undersecretary Sarah Lou Arriola, may 27 Filipino kabilang na ang 21 seafarers ang inilipat sa Moldova at nakatawid na sa Bucharest sa Romania para sa byahe patungong Pilipinas.

 

 

Bukod pa sa, may 15 Filipino ang nasa Hungary, 9 naman sa Austria, at 4 sa Romania.

 

 

“So, 116 pa ‘yung nasa loob ng Ukraine,” anito.

 

 

Ani Arriola, mayroong 19 Filipino ang pinauwi sa Pilipinas. May ilang Filipino kasama ang kanilang mga asawang Ukrainian ang nananatili sa bansa sa kabila ng gulo.

 

 

Tinukoy ang impormasyon mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), sinabi ni Arriola na mayroong 200 Filipino seafarers ang na-stranded sa Black Sea at malapit na daungan.

 

 

“Ang estimate nila mas maraming seafarers around 200. Kasi yun naman, hindi naman sila nasa crossfire. Medyo stranded talaga sila sa Black Sea sa Odessa, sa iba’t ibang lugar,” ani Arriola.

 

 

“Ships are being cautious about sailing because two cargo ships were already hit by explosions,” aniya pa rin.

 

 

Hinikayat ni Arriola ang mga Filipino sa Ukraine na bumalik ng Pilipinas upang maging ligtas mula sa giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.

 

 

Binigyang diin nito na ang mga Filipino mula Ukraine ay “might have less opportunity for work when they move to other countries as there is an influx of refugees in Europe now.”

 

 

Samantala, umapela naman ang Pilipinas ng agarang pagtigil ng karahasan sa Ukraine sa ilalim ng pag-atake ng Russia at nanawagan sa mga partido na bumuo ng peace accord. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, binalaan ang NPA

    “What you can do, I can do better 10 times over. Ang kaya n’yo, kayo kong gawin”   Ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa New People’s Army (NPA) makaraang muling umatake ang rebeldeng grupo sa bayan ng Buenavista sa Quezon Province nitong nakaraang Sabado.   “They do not have ideology. Wala na […]

  • PBBM, balik-Pinas matapos ang “very successful” na ASEAN summit

    BALIK-PINAS na si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.   mula sa Cambodia  matapos dumalo sa matagumpay na 40th at 41st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits.     Si Pangulong Marcos, kasama ang ilang  Cabinet members at iba pang delegado ay lumapag sa Pasay City, dakong alas-12:14 ng umaga, araw ng Lunes, Nobyembre 14.     […]

  • Most wanted person, nasilo sa Valenzuela

    ISANG 57-anyos na mister na listed bilang most wanted ang nasakote sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Primitivo Sardoma, 57 ng No. 59 B. Elysian Subdivision, Brgy. Marulas.     Sa ulat ni […]