• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

118 na ang mga nasawi sa Eastern Visayas dahil sa bagyong Agaton

Patuloy pang nadadagdagan ang bilang ng mga indibidwal na kumpirmadong patay sa pananalasa ng bagyong Agaton sa Eastern Visayas region.

 

 

Sa isang pahayag ay kinumpirma ni Easter Visayas Regional Police spokesperson Colonel Ma. Bella Rentuaya na batay sa kanilang partial report ay umabot na sa 113 ang bilang ng mga nasawi nang dahil sa kalamidad.

 

 

Aniya, 86 dito ay mula sa lungsod ng Baybay, habang nanggaling naman sa bayan ng Abuyog sa Leyte ang 32 mga indibidwal na nasawi, at isa naman ang naitalang namatay sa bayan ng Motiong sa Samar.

 

 

Pagguho ng lupa nang dahil sa malakas na mga pag-ulan ang itinuturong dahilan ng pagkamatay ng mga residente sa Baybay at Abuyog matapos itong matabunan ng mga nawasak ng na mga gusali na dahil pa rin sa nangyaring sakuna.

 

 

Sa ngayon ay nasa 117 katao pa ang pinangangambahang nawawala sa Babay City, at nasa 128 na mga indibidwal naman sa Leyte.

 

Nasa 236 na mga indibidwal naman ang sugatan nang dahil sa bagyo, ayon sa mga awtoridad.

 

 

Samantala, ang nasabing datos na ito na naitala sa nasabing rehiyon ay ‘di hamak na mas mataas kumpara sa datos na nakalap ng National Disaster Risk Reduction and Management Councit (NDRRMC) kung saan ay nasa 76 mga indibidwal pa lamang ang mga naitatalang death toll nationwide nang dahil sa pananalasa ni “Agaton.”

Other News
  • LINDSAY, nagsalita na rin at fake news na ‘nabuntis’ ni DINGDONG

    NAGSALITA na rin ang Kapuso actress na si Lindsay de Vera tungkol sa kumalat na buntis issue at ang nakabuntis daw sa kanya ay ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.     Nagsalita ang 21-year old na aktres sa online talkshow ni Jobert Sucaldito noong January 25.     Sey ni Lindsay: “I […]

  • Pondo ng mga Olympic bound athletes nailabas na – PSC

    Inilabas na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga allowances ng mga atleta at coaches na sasabak sa Tokyo Olympics.     Ayon sa PSC na nailabas na nila ang allowances ng mga atleta para sa buwan ng Enero habang kasalukuyang pinoproseso ang allowance nila ng Pebrero.     Kapag naisumite na ang mga kakailanganing […]

  • LTO chief inutusan ang mga licensing centers tapusin mga backlog ng mga driver’s license

    Inutusan ni Land Transportation Office chief Jay Art Tugade ang mga licensing centers sa buong bansa na tapusin ang backlog sa pagbibigay ng driver’s license sa katapusan ng buwan sa darating na taon.       Naglabas din ang LTO ng memorandum na nagsasaad ng guidelines para sa printing at issuance ng drivers’ licenses upang […]