• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

1,180 detinido sa Bulacan Provincial Jail, binakunahan ng booster shots

LUNGSOD NG MALOLOS – May kabuuang 1,180 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa Bulacan Provincial Jail (BPJ) dito ang tumanggap ng COVID-19 booster shots na isinagawa ng Provincial Health Office-Public Health noong Sabado, Pebrero 26, 2022.

 

 

Pfizer at Astrazeneca ang mga bakunang itinurok sa booster rollout kung saan 755 sa kanila ay nabakunahan noong nakaraang Sabado habang 425 naman ang nabakunahan nitong Lunes.

 

 

Alinsunod dito, karamihan sa mga PDL ay nakatanggap na ng kanilang unang dosis ng bakuna noong Oktubre 2021 kaya naman sila ay kwalipikado na upang mabakunahan ng booster shots.

 

 

Patuloy pa rin ang booster rollout hanggang sa mabakunahan lahat ang target na 1,800 PDLs.

 

 

Sinabi naman ni Gobernador Daniel R. Fernando na Karapatan ng bawat isa sa lalawigan na mabigyan ng proteksyon laban sa banta ng COVID-19 at patuloy na pagsusumikapan ng lalawigan na maproteksyunan ang lahat ng mga Bulakenyo sa pamamagitan ng pinaigting na vaccination program.

 

 

“Bawat isa po sa Lalawigan ng Bulacan ay pinagsusumikapan nating mabigyan ng bakuna, lalo na po itong booster shot para maging buo ang panlaban natin sa sakit. Karapatan po ng lahat na maging protektado at sinisuguro ko po na walang sinuman ang malalagpasan at maiiwan,” anang gobernador.

 

 

Bukod dito, nagbigay rin ang Universal Health Care ng 1,700 piraso ng hygiene kits para sa bawat PDLs at 40 piraso ng cleaning kits para sa mga pasilidad ng BPJ. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Registered owner rule hindi pwede gamitin na basehan para ipataw sa registered owner ang multa ng NCAP traffic violation kung iba ang driver

    SA ISANG  news item nagulat ako sa pahayag ng isang taga- QC Hall na ang basehan daw kung bakit ang registered owner ang liable sa no-contact apprehension ay ang  Registered Owner Rule.     With due respect po ang registered owner rule ay ginagamit para habulin ang registered-owner kapag may aksidente HINDI PAG TRAFFIC VIOLATION. […]

  • Ads February 1, 2022

  • Mahigit 200 Chinese maritime militia vessels, aalis din ng Julian Felie Reef -Sec. Roque

    UMAASA ang Malakanyang na sa kalaunan ay aalis din ang mahigit 200 Chinese maritime militia vessels na natuklasang namamalaot sa Julian Felipe Reef, isang bahagi ng West Philippine Sea.   Naniniwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na para sa kapakanan ng pagkakaibigan ng Pilipinas sa bansang China ay lilisanin din ng 220 maritime militia vessels […]