Mahigit 200 Chinese maritime militia vessels, aalis din ng Julian Felie Reef -Sec. Roque
- Published on March 27, 2021
- by @peoplesbalita
UMAASA ang Malakanyang na sa kalaunan ay aalis din ang mahigit 200 Chinese maritime militia vessels na natuklasang namamalaot sa Julian Felipe Reef, isang bahagi ng West Philippine Sea.
Naniniwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na para sa kapakanan ng pagkakaibigan ng Pilipinas sa bansang China ay lilisanin din ng 220 maritime militia vessels ng Beijing ang Julian Felipe Reef na napaulat na naka-angkla noon pang Marso 7.
Sinabi ni Sec. Roque na personal na sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang bagay na ito sa China’s envoy to the Philippines, kung saan tiniyak naman ng huli sa Pangulo na ang Chinese vessels ay naghanap lamang ng temporary refuge dahil sa masamang panahon.
“Wala pong kontrobersiya dahil hindi naman nila [China] ipinaglalaban na mananatili sila roon,” ayon kay Sec. Roque.
“In the spirit of friendship, inaasahan na hindi sila mananatili roon,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Sa kabilang dako, pinagtalunan naman ng National Task Force for West Philippine Sea ang ‘excuse” na “bad weather” dahil kahit maganda naman ang panahon ay nananatili sa Julian Felipe Reef ang mahigit 200 Chinese maritime militia vessels.
Iginiit ni Sec.Roque na palaging pinaninindigan ng Pangulo na protektahan ang Philippine territory, kabilang na ang Julian Felipe Reef, sa pamamagitan ng mapayapang paraan.
“The President said this before the United Nations: We will protect our territory, we stand by the UN Arbitral Ruling, and we will resolve this by peaceful means under UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Seas),” lahad ni Sec. Roque.
“Hindi nagbabago ang posisyon ni Presidente,” aniya pa rin.
Matatandaang, itinaas ni Pangulong Duterte sa United Nations General Assembly (UNGA) ang panalo ng Pilipinas sa China noong 2016 kaugnay sa usapin ng South China Sea na tinatawag ng bansa na West Philippine Sea.
Sinabi ng Pangulo na hindi pinapayagan at hindi tinatanggap ng Pilipinas ang anumang pagtatangka na sisira sa July 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration in The Hague.
“The award is now part of international law, beyond compromise and beyond the reach of passing governments to dilute, diminish or abandon,” ayon kay Pangulong Duterte.
Aniya, ang commitment ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea ay laging nakasalig sa United Nations Convention on the Law of the Sea at sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration sa the Netherlands. (Daris Jose)
Magugunitang, ilang ulit nang hindi kinilala ng China ang 2016 ruling ng arbitral tribunal. (Daris Jose)
-
Tiamzon umayuda sa mga taga-Bicol
NAGPADALA ng tulong sa isa sa mga sinalantang lugar ng ilang dumaang bagyo sa bansa si Premier Volleyball League (PVL) ace skipper Nicole Anne Tiamzon na nang magpunta sa Bicol. “Tagal ko ng gusto magpunta ng Albay para makita ang Mayon. Pero hindi ko inaasahan na sa unang pagbisita ko sa probinsya ay maghahatid […]
-
Sara susuporta, magiging tapat na VP kay BBM
NANGAKO kahapon si Lakas–CMD vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte na magiging tapat at susuportahan ang kaniyang presidential tandem na si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sakaling mapagwagian nilang pareho ang May 9 national polls. “Of course, I will be a supportive and […]
-
DOLE naglaan ng P455-M para sa mga rehiyong tinamaan ng bagyong ‘Karding’
NAGLAAN ang Department of Labor and Employment ng inisyal na P455.6 milyon para sa implementasyon ng emergency employment program sa Central Luzon at CALABARZON, na sinalanta ng bagyong ‘Karding’ noong nakaraang linggo. Sa pamamagitan ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), ang mga manggagawa sa impormal na sektor sa nasabing mga […]