12 drug suspects timbog sa buy bust sa Caloocan, Malabon, Valenzuela at Navotas
- Published on February 12, 2022
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang labing dalawang hinihinalang drug personalities sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan, Malabon at Valenzuela at Navotas Cities.
Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, alas-4:15 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Deo Cabildo ng buy bust operation sa Pili St., Brgy., 178 na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang High Value Individual (HVI) na sina Rommel Bobiles alyas “Dyosa”, 33 at Michael Ayuson, 38.
Nakumpiska sa kanila ang tinatayang nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P340, 000.00 at buy bust money na isang P500 bill at 40 pirasong P1,000 boodle money.
Dakong alas-3:25 naman ng madaling nang masakote ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Albert Barot sa buy bust operation sa P. Aquino Avenue, harap ng Paradise Village Brgy. Tonsuya sina JC Christopher Dagoy, 35, Sarah Jane Malate, 31, at Alfredo Cruz Jr, 32.
Narekober sa mga suspek ang tinatayang nasa 18 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price Php122, 400.00 at P500 marked money.
Sa Valenzuela, alas-5 ng madaling araw nang madakma ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Doddie Aguirre sa buy bust operation sa BSOP Bukid, Brgy., Karuhatan sina Vincent Guzman alyas “Bunso”, 19 at Jumer Guzman y, 31.
Ani PCpl Christopher Quiao, nakuha sa kanila ang tinatayang nasa 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200, P300 marked money, P140 cash at dalawang cellphones.
Nauna rito, natimbog din ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni PLTJoel Madregalejo sa buy bust operation sa Bukid ext. Brgy., Balangkas alas-2 ng madaling araw sina Francisco Espinosa alyas “Bobo”, 53, at Dean Oliver Jeciel, 27.
Sinabi ni PCpl Pamela Joy Catalla, narekober sa mga suspek ang nasa 7 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P47,600, P500 buy bust money, P700 cash at cellphone.
Nakuhanan naman ng nasa 1.2 grams ng hinihinalang shabu na nasa P8,160 ang halaga sina Jyette Railey Avila alyas “Dayet”, 18, Jacqueline Espinosa, 35, online seller, at 17-anyos na binatilyo matapos madakip sa buy bust operation ng Navotas Police SDEU sa Tawiran 5, Brgy. Tansa 1, Navotas City dakong alas-5:10 ng madaling araw. (Richard Mesa)
-
BINASBASAN sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang bagong Intensive Care Units (ICUs) at specialty clinics ng Navotas City Hospital (NCH)
BINASBASAN sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang bagong Intensive Care Units (ICUs) at specialty clinics ng Navotas City Hospital (NCH) na naglalayong pahusayin ang healthcare services para sa mga Navoteño at nagmamarka ng isa pang hakbang tungo sa pagkamit ng isang Level 2 accreditation mula sa Department of Health. […]
-
Ads November 12, 2022
-
‘Scream’ Official Retro Poster Showcases Ghostface with a Blood-stained Knife in the Moonlight
THE Scream franchise’s notorious Ghostface killer is a lethal threat in the moonlight in the latest official poster for the upcoming fifth installment. It’s been 25 years since Wes Craven first joined forces with screenwriter Kevin Williamson to bring horror fans what arguably became the greatest homage to the slasher genre in horror history. Known for […]