• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

12 e-sabong website, 8 socmed pages natukoy ng PNP

NABUKING  ng Philippine National Police (PNP) ang patuloy na operasyon ng 12 ­e-sabong at walong social media pages sa kabila na ­iniutos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil nito.

 

 

Ayon kay Lt. Michelle Sabino, hepe PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) public information office, sa 12 websites na natukoy ng PNP dalawa ang nakarehistro sa Pilipinas na may operators at administrators, habang ng 10 ay nasa ibang bansa.

 

 

Sinabi ni Sabino na dina-download lamang ng mga mananaya ang application at maaari nang mamili ng online games at tumaya.

 

 

Kadalasan ding pino-promote ang link sa mga FB page.

 

 

“This is the recruitment avenue of bettors. The bettors will communicate with the administrators of the Facebook page and then the administrator will give them a link for them to download,” ani Sabino.

 

 

Kailangan din munang magdeposito ang mananaya ng P100 bilang deposit upang marehistro. Ginagamit na rin umano sa online sabong ng cryptocurrency sa pagtaya.

 

 

Hiniling na rin ng PNP sa FB ang pagtatanggal sa e-sabong.

 

 

Matatandaang ipinagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan ang e-sabong kasunod ng pagkawala ng 34 sabungero. (ARA ROMERO)

Other News
  • DOH: ‘NCR Plus’ handa nang bumalik sa estado ng GCQ

    Naniniwala ang Department of Health (DOH) na handa na ang mga lugar na sakop ng National Capital Region (NCR) Plus na bumalik sa estado ng general community quarantine (GCQ).     Kasunod ito ng anunsyo ng Malacanang nitong Huwebes ng gabi na isasailalim na sa “GCQ with heightened restriction” ang NCR, Cavite, Laguna, Rizal, at […]

  • Kelot kalaboso sa pananakit at panghahablot ng cellphone

    SWAK sa kulungan ang isang 21-anyos na snatcher matapos hablutin ang mobile phone ng isang dalaga at sinamapak pa ang nagmalasakit na vendor Martes ng hapon sa Malabon City.     Nabawi ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 2 sa suspek na si Syruz Bronuela, residente ng No. 10 Lingkod Nayon, Brgy. Tugatog ang […]

  • Dagdag na buses at e-jeepneys pinayagan ng bumalik sa operasyon

    May 3,400 passenger buses at 3, 500 na modernized jeepneys ang pinayagan ng bumalik sa operasyon sa second phase ng gradual operations ng mga commuter vehicles sa Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).   Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) spokesperson Celine Pialago na nagbukas ng 15 bagong routes ang Land […]