• June 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, bukas na magpatawag ng special session kung kinakailangan

BUKAS ang Malakanyang na magpatawag ng special session ang dalawang Kapulungan ng Kongreso para masiguro na maipapasa ang 2021 national budget sa tamang oras.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na maaaring hilingin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso na mag- convene sa isang special session matapos ang susunod na adjournment sa Disyembre, kung kinakailangan.

 

Sinabi kasi ni Senate President Vicente Sotto III na maaaring magpatawag ng special session ang Malakanyang upang maipasa sa tamang oras ang 2021 national budget.

 

Ito’y matapos suspendihin ni House Speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang sesyon ng hanggang Nobyembre 16.

 

“Kung kinakailangang magpatawag ng special session pagdating ng December [19], Malacañang will do it,” ayon kay Sec. Roque. Sa kabilang dako, kumbinsido naman si Sec. Roque na may sapat pa ring panahon ang Senado para gawin ang deliberasyon nito sa 2021 proposed budget.

 

Ito’y kahit nagsalita na si Senador Sotto na hindi na nila kakayanin pang busisiin hanggang sa maaprubahan ang budget ngayong taon kung hindi maisusumite ng Kamara ang kanilang bersiyon bago o sa mismong Oktubre 14.

 

“The Senate can continue its own deliberations on the budget kasi hindi naman ‘yan nakadepende sa pagtatapos ng budget sa House,” ayon kay Sec. Roque.

 

Tikom naman ang bibig ni Sec. Roque para magkomento sa alegasyon na hinohostage ni Cayetano ang 2021 budget hostage sa gitna ng iringan sa liderato sa Kongreso.

 

Samantala, ang 2021 national budget ay naglalayon na maipagpatuloy ng gobyerno ang kanilang effort para epektibong makatugon sa COVID-19 pandemic kung saan nakatutok sila sa paggastos sa pagpapabuti ng healthcare systems sa bansa, food security, pagpapataas ng investments sa public at digital infra- structure at pagtulong sa mga komunidad sa gitna ng pandemic. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • ANGELICA, desidido at willing talaga na iwanan ang kasikatan

    IKINABIGLA ng co-hosts ni Angelica Panganiban na sina Kean Cipriano at Via Antonio sa digital show na #AskAngelica sa kanyang rebelasyon sa episode 3 na kung saan guest si Glaiza De Castro.   Iiwanan na pala ni Angelica ang kasikatan niya o showbiz career kapag natagpuan na niya ang lalaking makakasama niya sa habambuhay.   […]

  • SHARON, nag-react sa basher at okay lang pintasan sila ni SEN. KIKO basta nakatutulong

    NAG-POST si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram ng video ng pagtulong ng husband niyang si Senator Kiko Pangilinan sa mga kababayan sa Porac.     Caption niya: “Sabi ko kay Kiko, dapat nilalabas niya ang mga ginagawa niyang pagtulong, kasi laging patago! Di yung puro pang-file lang para makita ng mga apo namin pagdating […]

  • Kai ready lang para sa Gilas Pilipinas

    Nakahanda si Kai Sotto anuman ang maging role nito sa Gilas Pilipinas na sasabak sa dalawang malalaking FIBA tournaments ngayong buwan.     Solong dumating kahapon si Sotto mula sa Amerika kung saan hindi nito kasama ang kanyang pamilya dahil sa availability sa flight.     “Walang flight for five (persons) kaya ako lang mag-isa. […]