12 HIGH-END AMBULANCE, HANDA NG IPAMIGAY SA MAYNILA
- Published on December 16, 2020
- by @peoplesbalita
HANDA ng ipamigay ang labindalawang “high-end” Ambulance na binili pa ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa Estados Unidos.
Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang pagpapasinaya sa labindalawang ambulansiya kasabay ng pagbabasbas nito sa pamumuno ni Quiapo Church Monsignor Hernando Coronel.
Ayon kay Domagoso, dapat ay unang quarter pa lamang umano ng taon 2020 dumating ang mga nasabing ambulansiya ngunit naantala umano ito dahil na rin sa kinakarap na pandemya ng bansa gayundin sa Amerika kung saan binili ang mga nasabing sasakyan.
Aniya, ang mga nasabing ambulansiya ay may mga high-tech equipment at machines na maaaring makatugon at makatulong sa mga pasyente sa oras ng “emergency” lalo na ang mga nag-aagaw buhay.
Dagdag pa ng Alkalde, naglaan ang lokal na pamahalaang lungsod ng halos P300 milyon umano ang inilaan ng lokal na pamahalaan sa mga nasabing ambulansiya na bahagi ng pagpapalakas sa atensyong medikal para sa mga Manilenyo.
Napag-alaman naman Alkalde na ang anim na ambulansiya ay dadalhin sa anim na pampublikong ospital ng Maynila kabilang na ang Ospital ng Maynila, Ospital ng Tondo, Sta. Ana Hospital, Ospital ng Sampaloc, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, at Justice Jose Abad Santos General Hospital. Habang ang natitirang anim na ambulansiya naman ay nasa Manila City Hall kung saan nasa pangangalaga ito ni Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Director Arnel Angeles upang gamitin sa kanilang rescue and emergency operation sa oras na may naganap sa buong Maynila.
Iginiiit ni Domagoso na ang paggamit sa mga nasabing ambulansiya ay libre at walang bayad kung saan sa loob nito ay may kumpleto itong equipment at machine gayundin may medical professional na nakasakay dito. (GENE ADSUARA)
-
Comelec, susunod sa desisyon ng Korte
TATALIMA ang Commission on Elections (Comelec) sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong inihain ng dating service provider na Smartmatic Philippines. Sinabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na hindi pa nila natanggap ang order mula sa Mataas na Hukuman na itigil ang anuman sa kanilang paghahanda para sa midterm polls sa […]
-
Microsoft Surface Hub, itinurn-over sa DepEd Central Office sa Pasig City
ITINURN-OVER na ng USAID Philippines ang Microsoft Surface Hub sa Department of Education (DepEd) Central Office sa Pasig City kamakailam. Ang Microsoft Surface Hub ay digital device na may kakayahang mag-integrate ng multi-platform system, mag-mirror screen para sa remote learning at nakadisenyo para sa iba’t ibang aktibidad na makatutulong sa mga guro at […]
-
VP Sara, kinilala ang ‘institutional support’ ni Leni Robredo sa OVP
KINILALA ni Vice President Sara Duterte ang “institutional support” ni dating Vice President Leni Robredo, para sa Office of the Vice President (OVP). Sa katunayan, pinapahalagahan ni Duterte ang kontribusyon ni Robredo sa “Pasidungog,” isang OVP thanksgiving event para sa mga partners nito na ang papel at gampanin ay “significant impact in expanding […]