• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

12 nalambat sa drug ops sa Camanava, halos P1M shabu, nasamsam

PINURI ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang District Drug Enforce Unit (DDEU-NPD) at Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela Cities Police Stations sa matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkaaaresto sa 12 drug suspects at pagkakakumpiska sa halos P1 milyon halaga ng illegal na droga.

 

 

Alas-11:45 ng gabi nang masakote ng mga operatiba ng DDEU-NPD sa pamumuno ni PLt Col. Renato Castillo sa buy bust operation sa Edsa Monumento, Brgy. 86, Caloocan City si Emmanoel Lemaire alyas “Manoy”, 29 ng Quezon City at nakuha sa kanya ang nasa 25 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P170,000, buy bust money, cellphone at isang motorsiklo.

 

 

Sa Brgy. 176, natimbog naman ng mga operatiba ng SDEU ng Caloocan police sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Ruben Lacuesta sa buy bust operation sa Kaagapay Road alas-3 ng madaling araw si Mary Grace Cabuhay alyas “Grace”, 46 ng CD-NAI Dalangahita St. San Vicente Ferrer, Brgy. 178.

 

 

Nasamsam kay Cabuhay ang humigi’t kumulang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P680,000.00 at buy bust money.

 

 

Nabitag din ng mga operatiba ng SDEU ng Malabon police sa pamumuno ni P/Col. Albert Barot sa buy bust operation sa MH Del Pilar corner Prelaya St., Brgy. Tugatog, Malabon City sina Michael Ramos, 34, Francisco Denoman, 61, at Erwin Joseph Bautista. Nakumpisa sa kanila ang nasa 3.4 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price ₱23,120.00, P500 marked money at P300 bills.

 

 

Umabot naman sa 10.5 gramso ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price ₱ 71, 400.00 at P500 buy bust money ang nasamsam ng mga operatiba ng SDEU ng Navotas police sa pamumuno ni P/Col. Dexter Ollaging kay Edison Quizon, 29 at Margie Baltazar, 49, matapos matiklo sa buy bust operation sa Judge Roldan St. Brgy. San Roque, Navotas City alas-12:15 ng madaling araw.

 

 

Samantala, arestado din ng mga operatiba ng SEDU team ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo, sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Salvador Destura Jr, sina Nestor Monteverde, 27, Jessie Antipolo, 34, Jesie Mansalay, 34, Josie Santos, 22 at Reymart De Jesus, 30, matapos maaktuhang gumagamit ng shabu sa loob ng isang bahay sa Bagong Nayon, Brgy. Bagbaguin, Valenzuela City alas-2:20 ng madaling araw.

 

 

Nakumpiska sa kanila ang humigi’t kumulang 7 grams ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price ₱ 47,600.00, P300 recovered money, 4 cellphones at mga drug paraphernalias. (Richard Mesa)

Other News
  • Pagkapanalo ng 433 bettors paiimbestigahan sa Senado

    PAIIMBESTIGAHAN ni Senator Koko Pimentel ang umano’y “suspicious and unsual” na pagkakapanalo ng 433 katao sa Grand Lotto na binola nitong Sabado ng gabi.     Sinabi ni Pimentel sa panayam sa DzBB, na nakakapagtaka ang winning combination numbers na divisible by 9 na maaaring aksidente lamang, subalit ang 433 ang mananalo ay dapat ang […]

  • Dahil sa magandang cover ng Singaporean magazine: LIZA, pinuri ng Filipino-Canadian actress na si SHAY MITCHELL

    HINDI na raw masyadong nagulat si Carmina Villarroel sa pag-amin nila Mavy Legaspi at Kyline Alcantara sa nararamdaman nila sa isa’t isa.     Noon pa raw ramdam ni Mina na importante si Kyline sa buhay ng kanyang anak na si Mavy, kaya naman suportado raw niya ang happiness ng dalawang batang ito.     […]

  • Mr. M, happy and certified Kapuso na at magiging consultant ng GMA Artist Center

    ISANG big welcome ang binigay kay Mr. M (Johnny Manahan) kahapon, July 13 sa naganap na online contract signing sa GMA Network.      Doon nga nalaman kung ano talaga ang magiging position nila sa network, at tulad ng balita magiging consultant siya sa GMA Artist Center para maka-develop ng new breed of GMA artists. […]