12 provincial bus routes binuksan
- Published on September 30, 2020
- by @peoplesbalita
BINUKSAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 12 provincial bus routes makaraan ang anim na buwan na nakalipas simula ng magkaron ng COVID-19 outbreak upang muling makakapasok ng Metro Manila ang mga provincial buses.
Simula September 30, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay magbubukas ng 12 provincial bus routes sa pagitan ng Metro Manila at Central Luzon kasama ang Calabarzon.
Sinabi ng LTFRB na may 286 na buses ang papayagan na mag resume ng partial operations sa ilalim ng 12 modified routes.
Ang number ng mga units ay 30 percent lamang ng kabuohang 1,445 units na dati pa na pinayagan magkaron ng operasyon bago pa ang pandemic.
Apat na probinsya lamang ang pumayag na magkaron ng resumption ng operasyon ng public utility buses mula sa National Capital Region (NCR) at ito ay ang Batangas, Cavite, Laguna at Pampanga.
Lahat ng mga buses ay papayagan lamang na magsakay at magbaba ng pasahero sa designated terminals tulad ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITx) at Araneta Center sa Cubao, Quezon City.
Ang mga pasahero ay kinakailangan na may dalang documentary requirements bago sila payagan na sumakay sa mga public buses. Kasama sa documentary requirements ay ang travel authority mula sa police, valid identification card, written consent na payag sila na sumailalim sa COVID 19 testing kung hihingin ng LGU at iba pa na papeles na kailangan ng mga authorities.
Lahat ng pasahero, kasama ang driver at conductor ay kailangan na sumunod sa strict health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, face shield, at one-meter physical distancing. Bawal ang kumain at mag-inuman kahit na ang mag-usap sa loob ng bus.
Sa bagong protocols, sinasabi rin na ang mga pasahero ay kailangan kumuha ng tickets dalawang araw bago ang kanilang trip maliban kung emergency.
Lahat din ng PUBs ay kailangan na sumailalim sa mahigpit na sanitation services bago at pagkatapos ng bawat trip kung saan magkakaron ng regular monitoring ang LTFRB. Ang pamasahe ay ganon pa rin bago pa ang pre-pandemic.
“Passengers from the south areas can now travel these bus routes via PITx: Batangas City, Lemery, Lipa and Nasugbu in Batangas; Indang, Mendez, Tagaytay City at Ternate in Cavite; and Calamba City, Siniloan and Sta. Cruz in Laguna,” wika ng LTFRB.
Para naman sa mga pasahero mula San Fernando, Pampanga, maaari silang pumunta sa Araneta Center kung saan naroon ang mga provincial buses. (LASACMAR)
-
PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent
PINIRMAHAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent; Dr. Joel M. Chavez, Pangulo ng NPC; at Rey Sanglay, Supervising Labor and Employment Officer ng Department of Labor and Employment-CAMANAVA ang isang Memorandum of Agreement para sa pagtatag ng isang Public Employment Service Office (PESO) Help Desk sa Navotas Polytechnic […]
-
DTI, nakatakdang ipalabas ang Noche Buena price guide
INAASAHANG ipalalabas ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price guide para sa Noche Buena products. Ito’y sa gitna ng nakabinbin na price hike petition para sa holiday ham na sinasabing maaaring tumaas ng 4%. “It will be out (price guide) by the second week of November because not all […]
-
Ads April 25, 2024