120K Caviteños, nakinabang sa P1 bilyong halaga ng programa at serbisyo ng BPSF
- Published on October 1, 2024
- by @peoplesbalita
UMAABOT sa 120,000 Caviteños ang nakinabang sa may P1 bilyong halaga ng programa at serbisyo ng gobyerno, sa ika-24 na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., na idinaos sa Cavite nitong Biyernes at Sabado.
Kaugnay nito, tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ipagpapatuloy ng BPSF ang paghahatid ng direktang serbisyo at tulong sa mga Pilipino.
Nabatid na ang pamilya Revilla, sa pangunguna ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., at misis nitong si Cavite Rep. Lani Mercado Revilla, ang naging local host ng aktibidad, katuwang si Speaker Romualdez at may 65 ahensya ng pamahalaan na may dalang 235 mahahalagang programa at serbisyo.
“Ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ay patunay na walang maiiwan sa Bagong Pilipinas ng ating Pangulong BBM. Dito, mabilis, maayos, maginhawa at masaya ang serbisyong hatid natin sa bawat Pilipino,” ani Speaker Romualdez.
Sa ilalim ng naturang programa, ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng kabuuang P451 milyong cash assistance at 255,500 kilo ng bigas.
“Ang tagumpay ng Serbisyo Fair ay isang halimbawa ng ating pagkakaisa para tiyakin na maramdaman ng bawat Pilipino ang presensya ng pamahalaan,” sabi ni Speaker Romualdez.
-
Unahin ang kumakalam na sikmura ng mamamayan sa halip na pagtambak ng dolomite sa Manila Bay
Unahin ang kapakanan ng mamamayan kaysa pagtambak ng dolomite sa Manila bay Hinimok ng opisyal ng simbahan ang pamahalaan na unahing tugunan ang pangangailangan ng mamamayan. Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, mahalagang bigyang prayoridad ang kasalukuyang suliranin sa kalusugan ng tao at ekonomiya. “Kung talagang ang problema ngayon […]
-
LTO Chief, pinaiimbestigahan ang buong araw na aberya sa LTMS na nakaapekto sa libu-libong kliyente sa buong bansa
IPINAG-UTOS agad ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang masusing imbestigasyon kaugnay sa aberya ng online platform ng ahensya noong Miyerkules Oktubre 30, na nakaapekto sa libu-libong kliyente sa buong bansa. “On behalf of the men and women of the LTO, I apologize for the service […]
-
Banggaan nina Beauty at Max, tiyak na tututukan: Sen. BONG, muling bubuhayin ang iconic role niya na ‘Tolome’
ANG hit and classic film na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ay nakakakuha na ng spinoff sa small screen sa pamamagitan ng GMA Network. Mula sa pagiging isang iconic film hanggang sa isang action-comedy series, ang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ay pagbibidahan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., […]