• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

123 aftershocks niyanig ang lalawigan ng Masbate

PATULOY na nakakapagtala ng mga aftershocks ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa lalawigan ng Masbate.

 

 

Ito ay kasunod pa rin ng pagtama ng magnitude 6.0 na lindol doon kaninang madaling araw.

 

 

Sa ulat ng kagawaran, as of 12:00 ng tanghali ay pumalo na sa 123 ang bilang ng mga aftershocks na yumanig sa naturang lalawigan.

 

 

Nasa 44 dito ang naitala bilang plotted earthquakes, habang nasa 13 naman ang naramdaman.

 

 

Anila, ang naturang mga aftershocks ay mayroong lakas na 1.5 hanggang 4.2 na magnitude.

 

 

Samantala, sa ngayon ay wala pa namang naitatalang major damages ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Masbate na niyanig ng lindol ngunit nagpapatuloy pa rin anila ang ginagawang assessment ng local disaster response units hinggil sa mga pinsalang tinamo ng nasabing lalawigan.

 

 

Habang suspendido na rin naman ang lahat ng mga klase at trabaho sa buong Masbate bilang bahagi pa rin ng pag-iingat. (Daris Jose)

Other News
  • Ads February 12, 2021

  • May iibahin sa Korean version ng ‘Start-Up’: BEA, excited nang mag-shoot dahil uniquely Filipino ang version nila ni ALDEN

    OPISYAL na ngang kinumpirma ng aktres na si Bea Alonzo sa kanyang Instagram account na siya ang gaganap sa Pinoy adaptation ng Start-Up.     Ang Start-Up ang isa sa nag-hit na k-drama noong nakaraang taon at gagampanan ni Bea ang role ng isa sa pinakasikat na Korean actress, si Bae Suzy.     Sa […]

  • COVID case papalo sa 100K sa Agosto – UP study

    Malamang na abutin ng hanggang 100,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa huling araw ng Agosto.   Babala ito ni Professor Dr. Guido David, miyembro ng University of the Philippines OCTA Research group, kung hindi babaguhin ng pamahalaan ang sistema nito at mga paraang ginagawa para labanan ang pandemic.   Kasunod ito ng ulat […]