DEPED Sec. Briones, suportado ni Pangulong Duterte sa nakatakdang pagbubukas ng klase sa darating na Lunes, Oktubre 5
- Published on October 2, 2020
- by @peoplesbalita
ALL out support si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay DEPED secretary Leonor Briones sa harap ng naging paninindigan nitong dapat na ituloy ang pagbubukas ng klase sa gitna ng health crisis, sa darating na Oktubre 5.
Ang katuwiran ng Pangulo, naiintindihan niya ang hugot ni Briones sa gitna ng pagpupursige nito kahit nuon pa man na hindi dapat matigil sa pag- aaral ang mga estudyante.
“ you know, Secretary Briones is one human being na talagang — she can be adamant at times but always insistent that even with this pandemic evolving in front of us, that education should not be put aside or just pushed in one corner,” ayon sa Pangulo.
“Para sa kanya, the way I see it, is that you fight your COVID- 19 and I will do my own thing.
So we have to, you know, make some adjustments here to address everybody’s concern. Since it is her worry, the education, so let’s give it to her as long as the students are protected,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.
Aniya pa, mas maiging ibigay na lang kay Briones ang kanyang concern para sa mga mag- aaral basta’t matiyak lang ang kaligtasan ng mga ito sa gitna ng pandemya.
Sa nakikita aniya ng Chief Executive sa Kalihim ay tila nagsasabi itong gagawin nito ang kanyang trabaho at bahala naman ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na gawin ang kanilang mandato.
Sa darating na Lunes, Oktubre a- singko ay simula na nang klase sa mga pampublikong paaralan sa ilalim ng panibagong set up na on line learning. (Daris Jose)
-
Nagbigay ng update sa career sa US: Fil-Can na si MIKEY, binalitang tapos na ang first-ever Hollywood movie
BINALITA ng Filipino-Canadian singer-comedian na si Mikey Bustos na katatapos lang niya sa shooting ng kanyang first-ever Hollywood project. Sa kanyang IG, nagbigay ng update si Mikey sa kanyang career ngayon sa US, pero hindi niya muna binanggit kung ano ang project na kanyang natapos… “It’s a wrap! Wrapped […]
-
Trabaho ng Equestrian PH, patuloy lang – Coscoluella
PATULOY na itataguyod ng Equestrian Philippines ang sport kahit na may ibang sports association na kinikilala ang Philippine Olympic Committee (POC). Sa katunayan ay kumakayod ang EquestrianPH upang makadiskubre pa rin at makapagkaloob ng tamang pag-eensayo para sa mga international champions gaya na nina Marie Antointte ‘Toni’ Leviste, Joker Arroyo at Colin Syquia. […]
-
PAGTANGGAP NG RED HAT NI CARDINAL ADVINCULA, IPINAGPALIBAN
NAIPAGPALIBAN sa susunod na buwan ang pagtanggap ng biretta ni Archdiocese of Manila Archbishop-elect Cardinal Jose Advincula na ipinagpaliban ang pagtanggap nito ng biretta sa susunod na buwan. Sinabi ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas na itinakda na sa Hunyo 8, 2021 ang ‘bestowal of red hat’ matapos na sumailalim sa 14-day mandatory […]