• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

137 sugatan sa paputok – DOH

NAKAPAGTALA ng 85- fireworks related injuries o mga naputukan ang Department of Health (DOH) nitong pagsalubong sa Bagong Taon.
Dahil dito, umakyat na kahapon ang bilang ng mga naputukan sa 137 nitong Enero 1 mula noong Disyembre 21, 2022.
Mas mababa naman ito ng 15% kumpara sa naitala na 162 noong 2021 at 46% mas mababa sa limang taong average ng naputukan na naasa 256.
“Kumpara noong na­ka­raang taon, mas mara­ming kaso ang naitala sa kalsada kaysa sa bahay ngayong taon. Marahil dahil ito sa increased mobility at pagluwag ng ating mga COVID restrictions,” ayon kay DOH officer-in-charge secretary Maria Rosario Vergeire.
Pinakamarami pa rin na naputukan sa National Capital Region (NCR) na nakapagtala ng 64 o 10% pagtaas kumpara noong 2021 habang nakapagtala ang Region 5 ng 28% pagtaas sa bilang ng naputukan. Bumaba naman o walang pagbabago sa iba pang mga rehiyon.
Karaniwang biktima ng paputok ang mga lalaki na nakapagtala ng 107 (78%) habang nasa pagitan ng edad 14 hanggang 16-taong gulang ang mga napuputukan.
Anim na biktima ang kinailangang putulan ng daliri dahil sa tindi ng pinsala, 41 ang napinsala ang mata, habang 92 ang nagkasugat na hindi kailangan na maputulan.
Ngayong taon, na­ngu­nguna ang boga at kwitis sa pinakamara­ming nabiktima na naitala sa tig-26 kaso (19%); kasunod ang 5-star na may 14 (10%); whistle bomb, 9 kaso (7%); at Super Lolo, 8 kaso (6%). (Daris Jose)
Other News
  • Mahigit kalahating bilyong kita sa bigas, inaasahan – NFA

    Tinataya ng National Food Authority (NFA) ang mahigit sa kalahating bilyong kita mula sa mga naibenta nitong bigas ngayong 2024.     Yan ay makaraang aprubahan ng NFA council ang price hike na P38 kada kilo ng bigas na ibinibenta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensya ng gobyerno.   […]

  • Napag-usapan sa YT vlog ni Camille: ANTOINETTE, magiging proud at ‘di itatago kung totoong may anak

    SA latest Youtube vlog ni Camille Prats kung saan guest si Antoinette Taus ay napag-usapan ang masasabing “urban legend” tungkol sa dating aktres, sa pagkakaroon umano nito noon ng lihim na anak.     Kahit ilang taon nang hindi active sa show business, aminado si Antoinette na nakatatanggap pa rin siya ng mga tanong tungkol […]

  • Kumalat na tatakbong congressman o councilor: ARNOLD, nagpasaring sa mga kandidatong walang plano pero gustong manalo

    MONTHS before the filing ng COC para sa mga lakahok sa midterm elections ay isa sa lumutang na pangalang tatakbo raw sa District One ng Tondo ay ang kapusong newscaster na si Arnold Clavio.   Lehitimong taga-Tondo si Arnold, kung si Isko ‘Yorme’ Moreno ay ipinagmamalaki ng mga taga-Tondo High School alumni ay very proud […]