137M doses ng Covid 19 vaccines para sa taong 2022
- Published on January 15, 2021
- by @peoplesbalita
TINATAYANG aabot sa 137 million doses ng COVID-19 vaccines ang na-secure ng pamahalaan para sa susunod na taon.
Sinabi ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Miyerkules ng gabi na manggagaling ito sa iba’t ibang brands ng bakuna na nagbigay na ng commitment ng suplay sa bansa.
“Maganda po ang negotiation natin kaya po secured na natin ang 137 million po na doses para next year. Puwede pong umakyat ‘yan na … sa 172,” ayon kay Galvez.
Sa susunod na buwan naman na inaasahang mauunang darating sa bansa ang mga bakuna ng Pfizer ng Amerika at Sinovac ng China.
“Pfizer po maganda rin po ang ating negotiation. Dinagdagan po — puwede pong madagdagan ang ating allocation at isa siya sa pinakamalaki na makukuha po natin, more or less 25 to 40 million. At natutuwa po kami dahil kasi hindi po tayo iniwan ng Pfizer at may commitment po sila na baka magkaroon po pagka nagpirmahan po tayo baka hopefully, kung mayroon silang excess from US at other countries, pwede pong mai-deliver po ‘to sa atin,” aniya pa rin.
Ibinalita rin ni Galvez na nagkapirmahan na rin ang pamahalaan at ang Serum Institute ng India para sa Novovax vaccines para sa 30 million doses na dadating din ngayong taon.
Inaasahan naman na ngayong araw ay magkakapirmahan na para sa bakuna naman ng AztraZeneca ng UK para sa 17 million doses na posibleng dumating ng 2nd quarter ng taon.
Aniya pa, ang Johnson at Johnson mula Amerika din ay nasa final stages na rin aniya ng approval ng kasunduan, habang may ongoing negotiations na rin para makabili ng Moderna ng Amerika din, kasama ang pribadong sektor.
Bukod dito ay may nagaganap na ring negosasyon ang gobyerno katuwang ang Russian Direct Investment Fund para makabili rin ng 50 hanggang 100 million doses na gawa ng the Galameya Institute sa Russia.
Sa kabilang dako, may inaasahan pa niyang libreng bakuna ang Pilipinas na nasa 42 million doses mula sa COVAX facility na sapat aniya para maibigay sa 20 percent ng populasyon ng bansa.
Kaya nga, hindi na magiging problema ang cold chain storage facilities dahil bukod sa pasilidad ng gobyerno, may service providers din aniya mula sa pribadong sektor.
Aniya, ikukunsidera naman ang geographical at sectoral issues sa pagbibigay prayoridad sa pagbabakuna at tiniyak niyang wala umanong magiging diskriminasyon dito.
Target pa rin ng pamahalaan na mabakunahan ang lahat ng 110 na milyon na populasyon ng bansa, pero hindi umano mamimilit ang gobyerno. (Daris Jose)
-
400 traffic enforcers, itinalagang COVID-19 safety marshals ni Yorme
“Alam ko ang sinasaway niyo lang ay driver, pero simula sa araw na ito, ang sasawayin niyo na ay taumbayan.” Ito ang binitiwang salita ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa 400 traffic enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na itinalaga nitong COVID-19 safety marshals sa lungsod. Hinarap ng alkalde ang […]
-
Tiyak na kapupulutan ng aral at inspirasyon ang bawat kuwento: CHARO, inamin na new challenge sa kanya ang bagong programa na tungkol sa OFW
MAY bagong programa si Ms. Charo Santos-Concio. Ito ay ang ‘Shine On Overseas Pinoy’ kung saan ang mga Overseas Pinoy ay magbabahagi ng kanilang kwento kung paano nila nilabanan ang lungkot na mawalay sa pamilya. Ibabahagi rin nila ang kanilang karanasan tungkol sa kahalagahan ng pagiging financially stable, pananatiling malusog, pagpapaaral […]
-
Salceda ‘di pabor na tuluyang ipagbawal ang POGO operations sa bansa, bilyong halaga ng tax mawawala
MULING nanindigan si House Ways and Means Committee Chair at Albay Representative Joey Salceda ang pagtutol nito sa tuluyang pagbabawal ng operasyon ng POGO sa bansa. Inihayag ni Salceda, batay sa datos aabot sa P8 Billion na halaga ng buwis ang posibleng mawala sa Pilipinas sa sandaling tuluyan ng ipagbawal ang POGO. […]