400 traffic enforcers, itinalagang COVID-19 safety marshals ni Yorme
- Published on August 6, 2020
- by @peoplesbalita
“Alam ko ang sinasaway niyo lang ay driver, pero simula sa araw na ito, ang sasawayin niyo na ay taumbayan.”
Ito ang binitiwang salita ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa 400 traffic enforcers ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na itinalaga nitong COVID-19 safety marshals sa lungsod.
Hinarap ng alkalde ang mga itinalagang COVID-19 safety marshals sa Kartilya ng Katipunan ngayong umaga kung saan sinabi nito na sila ang magsisilbing katuwang ng kapulisan at mga opisyal ng barangay sa pagpapatupad ng “health protocols” sa ilalim ng umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Maynila.
“Kayong lahat ay sanay sa kalsada. Araw-araw na ginawa ng Diyos marami na kayong nakitang makukulit, marami na rin kayong experience sa pakikiusap sa mga tao. We will help our uniformed personnel in the PNP and the MPD. We will augment them for their effort to keep peace and order of the city,” ani Domagoso.
Paliwanag ni Domagoso, sa kabuuang bilang ng mga traffic enforcers ng MTPB ay itinalaga nitong COVID-10 safety marshals habang ang kalahati naman ay ipagpapatuloy ang pagsasa-ayos sa daloy ng trapiko sa kalsada ng lungsod.
Dagdag pa ni Domagoso, bilang deputized civilian personnel, ang mga itinalagang safety marshals ay tutulong sa mga kapulisan at barangay na tawagin ang pansin o sitahin ang mga residente na pasaway at hindi sumusunod sa ipinapatupad na health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask, pagpapanatili ng physical distancing, mga residente na maaaring lumabas o hindi sa kanilang bahay atbp. umiiral na ordinasa at batas.
“Sasawayin natin ang mga hindi sumusunod sa batas, pero hindi natin kailangan maging mainitin ang ulo, hindi tayo kailangan maggagalit-galitan. Magagalit lang tayo kapag talagang may tiyak na kagaguhan, kawalanghiyaan, katolonggesan,” ayon pa kay Domagoso. (Daris Jose)
-
JUSTIN BIEBER, nakatanggap nang matitinding bashing dahil sa short dreadlocks at pinag-a-apologize
NAKATANGGAP ng matitinding bashing sa social media si Justin Bieber dahil sa kanyang bagong hairstyle. Nagpa-short dreadlocks si Bieber para sa release ng kanyang bagong album. Pero imbes na maraming matuwa, binash ang pop singer dahil sa inasal niyang “cultural appropriation and racial insensitivity.” Ayon sa isang concerned netizen: […]
-
34 border checkpoints inilatag sa Metro Manila
TATLUMPU’T apat na border checkpoint ang inilatag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila sa gitna na rin nang pagsipa ng kaso ng COVID-19. Layon nito na imonitor at tiyakin ang pagsunod ng publiko sa minimum health protocols. Ayon kay NCRPO Chief P/Major Gen. Vicente […]
-
C-Stand, NorthPort malakas – Ravena
KAIBA sa pangkaraniwan ang namamataan ni Ferdinand ‘Bong’ Ravena, Jr., na team-to-beat sa 45th Philippine Basketball Association Philippine (PBA) Cup 2020 na iniurong ang pagbubukas sa Marso 8 mula sa Marso 1. “Actually, NorthPort ‘yung team to watch, eh,” samantaha ng Talk ‘N Text coach na dinahilan si Fil-Germand Christian Standhardinger. “Intact sila and […]