• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

14-ANYOS NA MUSLIM, PATAY SA SUNTOK NG 13-ANYOS

PATAY ang isang 14 anyos na binatilyo nang ma-knock-out sa kapwa menor de edad na Grade 7 sa Fraternal St. Quiapo, Maynila.

 

Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Sampaloc ang biktima na si Karim, di tunay na pangalan habang nasa kustodiya naman ng Barbosa Police Station  ang suspek na 13 anyos na itinago sa pangalang Jojo,nakatira sa 1121 Castillejos St.Quiapo.

Sa imbestigasyon ni Corporal  Rodolfo Acosta III, ng Manila Police District (MPD)-homicide section, naganap ang insidente sa Fraternal St.

Nabatid na nag-sparing sa boxing ang dalawa  nang masuntok ni Jojo si Karim sa mukha na agad bumagsak sa sementong kalsada at nawalan ng malay.

Napansin ito ni Basit Minandang kaya nilapitan ang binatilyo at isinugod sa pagamutan pero hindi na naisalba ng mga doktor sa pagamutan.

Dinala naman sa golden mosque ang bangkay para sa tradisyunal na paglilibing sa isang muslim. (GENE ADSUARA)

Other News
  • First Indian na nanalo at ‘di malilimutan ng mga Pinoy: Miss Universe 1994 na si SUSHMITA SEN, nag-celebrate ng kanyang 28th anniversary

    MASAYANG-MASAYA ngayon ang StarStruck Season 7 Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava dahil nasimulan na raw ang bahay na ipinapagawa niya para sa kanyang pamilya.   Panahon na raw na magkaroon na sila ng sariling bahay pagkatapos ng mahabang panahon na pag-rent ng bahay.   “Ayun po ‘yung isa sa very kinikilig ako kasi […]

  • Ads February 7, 2022

  • Pagpapatupad ng bagong alert level system sa mga probinsiya, may konsultasyon- Sec. Roque

    KINUMPIRMA  ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kinunsulta ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang lahat ng rehiyon at probinsya bago pa ikinasa ang bagong alert level system sa ilang piling lugar sa bansa.     Umapela kasi ang League of Provinces in  the Philippines  sa IATF na ipagpaliban ang  implementasyon ng alert level system sa […]