14 KABABAIHAN NASAGIP, 4 ARESTADO SA HUMAN TRAFFICKING
- Published on June 29, 2021
- by @peoplesbalita
NASAGIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation- Special Task Force (NBI-STF) ang 14 kababaihan at arestado naman ang apat na indibidwal na sangkot sa human trafficking sa Lipa City Batangas .
Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang mga naarestong suspek na sina Wilson Ebreo, Alora Almoguera, June Derilo, Robin Señar.
Nag-ugat ang operasyon sa impormasyon na ibinigay ng Destiny Rescue Pilipinas Inc. (Destiny), isang Non-Government Organization (NGO) na nakikibahagi sa paglaban sa human trafficking.
Ayon sa impormasyon, ang mga suspek ay sangkot umano sa human trafficking ng mga kababaihan, menor de edad at maging ang kanilang sariling menor de edad na anak.
Inaalok umano ng mga suspek ng P 3,500.00 hanggang P6,000.00 ang mga babae.
Nagsagawa ng survellaince ang NBI-STF at isa sa nagpanggap na seafarer at poseur costumer na nagresulta ng pagkakaaresto ng mga suspek .
Sa mga nasagip na biktima, tatlo rito ang menor de edad.
Kasama rin sa nasagip ang siyam na buwang gulang na sanggol na kasama ang kanyang ina sa mga biktima.
Kinasuhan ng Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 na may ugnayan sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na may kaugnayan naman sa R.A.10175 o Cybercrime Law.
(GENE ADSUARA)
-
DOH: Lahat ng bata 12 pataas pwede ng paturok vs COVID-19
Kinumpirma ng Department of Health na maaari nang maturukan laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang lahat ng batang edad 12-17 simula susunod na linggo. Ito ang kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos matanong ng reporters tungkol sa pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., Miyerkules. “Yes we are confirming […]
-
Ibinahagi rin sa post ang mga damit na bigay ni Sharon: ROSANNA, nasubok ang katatagan nang mamatay ang ina habang nasa taping ng serye ni COCO
SA isang post sa kanyang IG Account (therealrossanaroces) ibinahagi ng dating sexy star na si Rosanna Roces ang karanasan niya sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano. Doon lang niya binanggit na habang nagti-taping siya sa Ilocos ay namatay ang kanyang nanay. Sabi ni Osang, nagawa raw niyang itago ang lungkot pero sinabi niya sa […]
-
Ads March 16, 2022