1,400 pamilya makikinabang sa itatayong NavotaAs Homes III
- Published on November 27, 2024
- by @peoplesbalita
SISIMULAN na ang pagtatayo ng NavotaAs Homes 5-Tanza 1 Phase 2 housing project ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas, kasunod ng isinagawang groundbreaking nito sa pangunguna nina Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod sa National Housing Authority (NHA).
Pag natapos na ang may 5.6 ektaryang proyektong pabahay na may 24 na palapag at may tig-60-unit ang bawat isa ay tiyak na pakikipanabangan ng 1,400 pamilyang Navoteño.
Sinabi ni Mayor Tiangco na nais nilang magkaroon ng maayos at ligtas na matitirhan ang mga Navoteños na naninirahan sa malapit sa baybaying dagat at lugar na malimit lumubog sa baha.
“More importantly, we want them to have a fresh start. ‘Bagong bahay, bagong buhay’ embodies our dream of providing them with not just a home but a new beginning filled with hope and opportunity,” aniya.
Sa kasalukuyan, lima na ang in-city housing project ng Navotas na may kabuuang 2,187 units na tinitirhan na ng mga pamilyang nawalan ng tirahan dahil sa sunog, bagyo, at iba pang kalamidad.
Samantala, malugod namang pinuni ni Cong. Toby Tiangco ang proyekto na aniya ay pang-matagalang solusyon sa kawalan ng maayos na matitirhan ng maraming Navoteño.
“This project reflects our unwavering commitment to uplifting the lives of Navoteños. Providing safe, accessible, and well-equipped housing is not just about shelter but about building a foundation for a brighter future,” pahayag niya.
Umaasa ang magkapatid na Tiangco na kanilang mapapasinayahan na sa susunod na taon ang phases 1 at 2 ng proyekto upang mapakinabangan na ng kanilang mga kababayang walang maayos na tirahan.
Dumalo din sa seremonya ng groundbreaking sina NHA General Manager Joeben Tai, NHA NCR North Sector Regional Manager Engr. Jovita Panopio, at Department of Human Settlements and Urban Development USec. Ronald Samuel T. Young. (Richard Mesa)
-
Di man nagwagi sa 80th Golden Globes Awards: DOLLY, nairampa ang gown na gawa ng local designer sa red carpet
HINDI napigilan ang SPARKADA na si Vince Maristela na ipakita ang six-pack abs niya sa mediacon ng bagong GMA primetime series na ‘Luv Is: Caught In His Arms.’ Si Vince nga ang tinatawag na hunk ng SPARKADA dahil sa alagang-alaga ang katawan nito sa workout at diet. Binuking nga ng ka-partner […]
-
‘Bago ang Ugas fight, Pacquiao kumunsulta kay Mommy D sa political plans’
GENERAL SANTOS CITY – Buong suporta ang ibibigay ni Mrs. Dionesia Pacquiao para sa anak makalipas na tanggapin ni Sen. Manny Pacquiao ang nominasyon ng PDP-Laban Pimentel faction para tumakbo ito sa pagka-pangulo sa 2022 elections. Sa exclusive interview ng Bombo Radyo GenSan, inihayag ni Mommy D na bilang ina marapat lang na sumuporta […]
-
Olympic ring pansamantalang tinanggal sa Eiffel Tower
PANSAMANTALANG tinanggal ng Paris ang Olympics logo na unang inilagay sa Eiffel Tower. Kasunod ito sa batikos na pagtalapastangan umano sa iconic landmark ng Paris na Eiffel tower. Sinabi ni Paris Mayor Anne Hidalgo na magsasagawa na lamang ito ng bagong Olympic rings at ibabalik ito sa sikat na landmark. Inilagay nito ang nasabing Olylmpic […]