• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

15-ANYOS NA BINATILYO TIMBOG SA P28K SHABU

ISANG 15-anyos na binatilyo ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P28,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa gitna ng lockdown sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala lang ang suspek sa alyas “Enteng” na natimbog ng mga operatiba ng Navotas Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) dakong alas-8::05 ng gabi sa kahabaan ng Judge A. Roldan St. Brgy. San Roque matapos bentahan ng isang plastic sachet ng shabu ang isang police poseur-buyer kapalit ng P300 marked money.

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, nakumpiska ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Genere Sanchez kay Enteng ang 11 plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 4.1 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P28,880.00 ang halaga at buy-bust money.

 

Sinabi pa ni Col. Balasabas, ang suspek ay hindi kabilang sa list ng mga hinihinalang drug personality subalit, dahil sa ilang mga reklamo na kanilang natanggap hinggil sa kanyang illegal na aktibidad ay isinailalim ito ng mga operatiba ng SDEU sa surveillance operation.

 

Nang makumpirma na sangkot ito sa pagbebenta ng illegal na droga ay agad nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU kontra sa suspek na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya. (Richard Mesa)

Other News
  • PSC payroll scammer, niresbakan ni Ramirez

    Agad na kumilos si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez upang mabawi ang P14M na salaping ninakaw sa ahensya ng isang staff nito na “payroll scammer.” Sinulatan ni Ramirez, na nagbalik sa trabaho matapos lumiban sa ahensya ng isang buwan, ang Office of the Solicitor General (OSG) upang hingin ang tulong nito para kumpiskahin […]

  • PDU30, nagpalabas ng EO na magbibigay proteksyon para sa mga refugees sa Pilipinas

    NAGPALABAS si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng executive order na magi-institutionalize ng access sa protection services para sa mga refugees, stateless persons at asylum seekers.     Sinabi ni Pangulong Duterte na ang EO 163, na may petsang Pebrero 28 subalit ipinalabas lamang ngayong araw, Marso 2 ay alinsunod sa 1951 United Nations Convention Relating […]

  • Paglagapak ng Pinas sa corruption perception index ranking, “not a govt failure”- Malakanyang

    ITINANGGI ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang pagbagsak ng Pilipinas sa ranking sa Transparency International’s 2021 corruption perception index ay dahil sa may pagkukulang o pagkabigo ng gobyerno.     Sinabi ni Nograles na ang bansa ay naka-iskor sa ibang indicators sa nasabing usapin.     “We have the Open […]