• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

15 milyong pasahero nakinabang sa libreng sakay ng MRT-3

INIULAT kahapon ng Department of Transportation (DOTr) na umaabot na sa mahigit 15 milyong pasahero ang napagsilbihan ng libreng sakay na ipinagkakaloob ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

 

 

Ayon sa DOTr-MRT-3, kabuuang 15,381,945 pasahero na ang nakinabang sa libreng sakay mula nang simulan ang programa noong Marso 28 hanggang nitong Mayo 23 lamang.

 

 

Sa naturang bilang, 8,472,637 ang nakalibre ng pamasahe noong unang buwan ng implementasyon ng libreng sakay, o mula Marso 28 hanggang Abril 30.

 

 

Mula naman Mayo 1 hanggang 23 ay nasa 6,909,308 na ang napagseserbisyuhan ng linya.

 

 

Matatandaang ipinatupad ng DOTr-MRT-3 ang libreng sakay bilang pagdiriwang sa matagumpay na pagtatapos ng rehabilitasyon ng linya at upang maipakita sa mga pasahero ang mas pinagandang serbisyo nito.

 

 

Layunin din ng programa na makatulong sa publiko sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo at mga bilihin.

 

 

Dapat sana ay hanggang Abril 30 lamang ang libreng sakay, ngunit pinalawig pa ang programa hanggang Mayo 30, 2022, upang mas marami pang mapagserbisyuhan at makaramdam ng mga positibong pagbabago sa MRT-3, gaya ng mas mabilis na biyahe, mas malamig na mga bagon, at mas maayos na mga pasilidad sa linya.

Other News
  • Kaabang-abang ang next vlogs dahil may special guests: SHARON, ipinasilip ang nakare-relax na farmhouse nila sa Cavite

    IPINASILIP ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang mga tagahanga ang kanilang farmhouse sa Cavite, na kung saan doon daw nila karaniwang sinasalubong ang Bagong Taon.     Ayon sa Megastar ang naturang farmhouse ay nagsisilbing nilang santuwaryo mula sa mga stress sa work at city life.     “I love this house because it’s very […]

  • Tsina, itinanggi na pinopondohan ang ‘pro-China trolls’ sa Pinas

    “CATEGORICALLY  false and baseless.”     Ganito kung ilarawan ng Tsina ang sinabi ng isang mambabatas na maaaring pinopondohan ng Beijing ang “destabilization efforts” sa Maynila sa pamamagitan ng online trolls.     Sinabi ng Chinese embassy sa Maynila dapat na itigil ng mga Filipino politicians ang mga ganitong klase ng alingasngas na makapagpapaigting sa […]

  • Mahigit 17,000 na mga frontline worker sa Bulacan, tumanggap ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19

    LUNGSOD NG MALOLOS – Nakapagbakuna na ang Bulacan ng 17,280 na mga frontline worker kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na nasa Priority Group A1 sang-ayon sa resolusyon na iniharap ng Interim National Immunization Technical Advisory Group (iNITAG) at DOH Technical Advisory Group (DOH-TAG) mula ng simulan ang programa noong Marso 8, 2021.     Nitong […]