• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

15 milyong target bakunahan sa 3-day national vaccine drive – DOH

Target ng Department of Health (DOH) na mabakunahan ang nasa 15 milyong Pilipino sa ikakasang tatlong araw na ‘national COVID-19 vaccination drive’ na nakatakda sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

 

 

“We are doing everything that we can so that this can be successful and we can reach our average or our targets,” ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

 

 

Kung hindi man umano maaabot ang naturang target, umaasa naman sila na kahit 70% nito ay makuha nila upang maging matagumpay ang programa.

 

 

Gumugulong na umano ang kanilang paghahanda kasama ang iba pang mga ahensya ng pamahalaan ma­ging ang mga pribadong sektor at lokal na pamahalaan.

 

 

Muli siyang nanawagan sa publiko na nais mag-vo­lunteer. Nangangailangan sila ng 30,000 hanggang 50,000 vaccinators sa 10,000 itatatag na vaccination sites.

 

 

Nilinaw niya na ‘voluntary’ lamang umano ito talaga at walang matatanggap na sahod.

 

 

“This is a voluntary effort, so kung sakali pong may incentive tayo, baka mga allo­wance o ‘di kaya ay pakain lang po ang maibigay natin sa ating mga kababayan na tutulong sa atin,” dagdag ni Vergeire. (Daris Jose)

Other News
  • Pacquiao-Spence fight kasado na sa Agosto

    Walang iba kundi si World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr. ang makakasagupa ni eight-division world champion Manny Pacquiao.     Matapos ang ilang buwan na paghihintay, kinumpirma mismo ni Pacquiao ang laban nang gulanta­ngin nito ang lahat sa kanyang post sa social media.     Walang caption […]

  • Kapag naging Pangulo: Mayor ISKO, pipirmahan ang new franchise ng ABS-CBN ‘pag inaprubahan ng Kongreso

    KUNG sakaling mag-apply muli ng franchise ang ABS-CBN at maaprubahan ito ng Kongreso, tiyak na pipirmahan ito ni Manila Mayor Isko Moreno if ever siya ang mahalal na susunod na pangulo ng bansa.     “Kasama sa priority ko ang mabigyan ng trabaho ang mga tao so if ever maaprubahan sa Kongreso ang bagong franchise […]

  • Marcos Jr., kailangan ang kooperasyon at tulong ng lahat

    UMAPELA si outgoing President Rodrigo Roa Duterte sa sambayanang Filipino na tanggapin ang resulta ng May 9 polls dahil kakailanganin ng mga incoming leaders lalo na ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kooperasyon at tulong ng mga ito para matiyak ang tagumpay ng bansa.     “President-elect Marcos would need the cooperation and help […]