15 na ang patay pati suicide bomber, halos 80 na sugatan sa twin bombings sa Jolo, Sulu
- Published on August 26, 2020
- by @peoplesbalita
Binulabog ng dalawang magkasunod na malakas na pagsabog ang Jolo, Sulu.
Ayon sa mga otoridad unang sumabog ang isang bomba dakong alas-11:58 ng umaga sa Brgy. Walled City, Jolo.
Iniulat naman ng PNP na ang ikalawang pagsabog ay naganap pagsapit ng ala-1:00 ng hapon na hindi lamang kalayuan sa unang explosion (100 meters) doon din sa bisinidad ng Barangay Walled City sa harap lamang ng DBP Bank.
Kagagawan naman daw ito ng isang suicide bomber.
Ang unang pagsabog ay malapit lamang sa Red Cross Chapter.
Isang motorsiklo na may nakakabit na improvised explosive devise (IED) ang umano’y ipinarada ang bigla na lamang sumabog malapit sa naka-park na 6×6 military truck.
Sa inisyal na impormasyon mula kay Lt. Col. Ronald Mateo, civil military relations officer ng 11th infantry division, kabilang umano sa nasawi sa second explosion ay ang mismong suicide bomber.
Lumabas naman ang impormasyon na umakyat na sa 15 ang nasawi na kinabibilangan ng pitong mga sundalo, isang pulis at anim na mga sibilyan.
Umaabot na rin 75 ang sugatan na kinabibilangan ng 21 mga sundalo at anim na mga pulis.
Malapit lamang umano sa lugar nang pinangyarihan ng explosion ang ilang mga grocery stores na nagkataong namimili.
Sa impormasyon naman mula kay Capt. Rex Payot, spokesperson ng 11th Infantry Division, Philippine Army, nagsasagawa ng kanilang routine patrol at tumutulong sa COVID-19 response ang mga sundalo nang mangyari ang pagsabog.
Sa ngayoninilagay na ni Mayor Kerkhar Tan sa total lockdown ang buong Metro Jolo kasabay nang pagkordon sa lugar upang suyurin at malaman kung meron pang panganib sa mga mamamayan at mga otoridad.
Kaugnay nito, nanawagan naman si AFP spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo sa publiko na maging kalmado pero alerto. “We, together with our counterparts, are still determining the details of the explosion through post blast investigation. At the moment our troops on the ground are evacuating and providing treatment for the casualties while securing the area. The 11th Infantry Division and the joint Task Force Sulu are on high alert following this incident. We advise the public to stay calm but be vigilant to monitor and report any suspicious persons or items or unusual activities in the area.” (Ara Romero)
-
PLUNDER CASE LABAN sa mga NAGPATUPAD ng NCAP
ITO ANG hiling ni Atty. Alex T. Lopez sa Ombudsman ng sampahan niya ng plunder case sila Manila Mayor Honey Lacuna at dating Mayor Francisco ” Isko Moreno” Domagoso. Ayon sa demanda ni Atty. Lopez “NCAP of the City of Manila was created via City Ordinance 8676 series of 2020 nang Vice Mayor […]
-
KYLIE, tinawag na ‘Queen’ sa teaser ng kanyang pagbabalik-primetime at makakatambal si RAYVER
WE are happy sa panalo ni Megastar Sharon Cuneta as Best Actress sa 6th GEMS Hiyas ng Sining Awards. Our beloved megastar won for her performance sa Daryll Yap movie na Revirginized. Aminado naman si Sharon na medyo may takot siya when she accepted Revirginized. Ibang-iba kasi ito sa mga movies na […]
-
MARIAN, mukhang nainggit sa pagiging ‘fangirl’ ni BEA kay HYUN BIN
USUNG-USO na ang fangirling sa ating mga aktres ngayon, isa na nga ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo. Nang mapanood niya ang sarili niya kasama in one frame ang bida ng Crash Landing On You na si Korean actor Hyun Bin for an advertisement ng isang shopping app na laging napapanood […]