15 sabungero arestado sa tupada sa Caloocan at Malabon
- Published on February 19, 2021
- by @peoplesbalita
Labing-limang katao ang arestado matapos ang isinagawang magkahiwalay na anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Caloocan at Malabon cities.
Kinilala ang naarestong mga suspek na si Francis Iquiran, 26, collector/kasador, Romeo Rioflorido, 44, Jojo Palogan, 48, Deolng Manggaporo, 48, Eduardo Cabillo, 26, Domingo Kionisala, 46, Jesus Delavin, 55, Raquel Cirera, 65, Rolando Verso, 46, Marianito Cabilin, 74, Salvador Balidoy, 36, Ernesto Sarona, 36, at Marco Arnel Resero, 24.
Sa nakarating na report kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Nelson Bondoc, nakatanggap ng impormasyon mula sa isang impormante ang mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) sa ilalim ng pangangsiwa ni PLTCOL Allan Umipig na may nagaganap na illegal gambling (tupada) sa Lapu-Lapu St. corner Alimasag St. Brgy. 12, Caloocan city.
Agad bumuo ng team ang DSOU sa pamumuno ni PMAJ Amor Cerillo saka sinalakay ang naturang lugar dakong 1:30 ng hapon na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Ayon kay PSSg Allan Reyes na kasama sa operation, narekober nila ang isang panabong na manok na may tari, isang patay na panabong na manok na may tari at P15,700 bet money na nakuha kay Iquiran.
Sa Malabon, naaresto naman ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 sa pangunguna ni PSSg Allan Fernandez sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Vencito Cerillo si Ramon Dorado, 40, at Orlando Tumali Jr., 28, matapos maaktuhang nagsasagawa ng tupada sa Samaton St. Brgy. Tonsuya habang nakatakas naman ang iba pa.
Nakumpiska ng mga pulis ang isang patay na panabong na manok na may tari at P830 bet money. (Richard Mesa)
-
Senado iimbestigahan ang vehicle inspection system ng LTO
Magsasagawa ng isang imbestigasyon ang committee on public services ng Senado tungkol sa operasyon ng Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs) dahil sa sumbong ng mga motorista na nagbabayad sila ng doble sa kanilang vehicles registration fees. Si Senator Grace Poe ang naghain ng isang resolution na siyang umuupo bilang chairman ng panel kung […]
-
P6.8 MILYON HALAGA NG DROGA, NASAMSAM SA 3 KABABAIHAN NA TULAK SA CAVITE
TATLONG kababaihan na hinihinalang tulak ang binitbit ng Cavite Police at nasamsam sa kanila ang mahigit P6 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Gen Trias City, Cavite Miyerkules ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Eman Bongcarawan y Mabandus, alyas “Eman”, 29, isang Lesbian; Norhanah Dirampatin y Didaagun, […]
-
Welga ng PUJs bigo
NABIGO ang mga welgista ng grupo sa transportasyon na miyembro ng public utility jeepneys (PUJs) dahil sa ginawang matinding paghahanda ng Metro Manila mayors sa nakaraang 2 araw ng welga noong Lunes at Martes. Nag-welga at nag-protesta ang mga drivers at operators ng PUJs dahil sa kanilang masidhing pagtutol sa pagpapatupad ng […]