15 toneladang relief supplies hinatid ng C-130 sa Cebu
- Published on December 27, 2021
- by @peoplesbalita
Naihatid na ng C-130 aircraft ng Philippine Air Force (PAF) ang nasa 15 tonelada ng relief supplies para sa mga biktima ng Bagyong Odette sa Cebu.
Ayon kay PAF Spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano, ang mga relief supplies ay inilipad mula sa Villamor Airbase patungong Benito Ebuen Airbase sa Mactan kahapon sa dalawang sortie.
Kinabibilangan ito ng relief goods kasama ang mga sako ng bigas, galon ng tubig at mga delata.
May karga rin itong mga non-food item tulad ng tent, toiletries, mga donasyong damit at generator set.
Ipamamahagi ang relief goods sa Visayas Region at Northern Mindanao.
Samantala, bukod sa relief operations, tiniyak ng PAF operations sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyo. (Daris Jose)
-
27.6 milyong estudyante, balik-eskwela
MATAPOS ang dalawang taon, magbabalik-eskwelahan na ngayong Lunes ang mahigit 27.6 milyong mag-aaral sa bansa. Sa huling datos mula sa Learner Information System (LIS) para sa SY 2022-2023 na inilabas ng DepEd, nasa 27,691,191 na ang kabuuang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral. Katumbas ito ng 100.47% o higit sa […]
-
Construction worker timbog sa 328 grams marijuana
Swak sa kulungan ang isang construction worker matapos makuhanan ng tinatayang nasa 328 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana sa buy bust operation ng pulisya sa Navotas city, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Paolo Reyes alyas Amping, 21, ng Ignacio […]
-
Ads September 2, 2022