• May 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

15,331 kabataang Bulakenyo, tumanggap ng tulong pinansyal

LUNGSOD NG MALOLOS – Hanggang Agosto 20, 2021, may kabuuang 15,331 Bulakenyong iskolar ang tumanggap ng kanilang scholarship grant mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando sa ilalim ng Tulong Pang-Edukasyon Gabay ng Bagong Henerasyon Scholarship Program.

 

 

Kabilang sa mga benepisyaryo ng nasabing iskolarsyip para sa 2020-2021 1st sem ay ang 3,707 estudyante mula sa Other School/Private Colleges kung saan tumanggap ang bawat estudyante ng tig-P3,500 bawat isa; 3,398 estudyante mula State, Universities at Colleges na nag-uwi tig-P3,000 bawat isa; 2,734 estudyante mula Senior High School (Public) at 1,543 estudyante mula sa Senior High School (Private) ang nakakuha ng P3,000 bawat isa; 320 esudyante ng Masteral at 40 na kumukuha ng Board Reviews ang nag-uwi ng tig-P5,000 bawat isa; 16 Academic students na mayroong tig-P5,500, habang pinagkalooban ang 3,573 learners ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na naka- enrol sa Bulacan Polytechnic College (BPC) ng ‘Katibayan ng Pagiging Iskolar’.

 

 

Ipinaabot naman ni Shulamite dela Peña, 3rd year Communication Arts na estudyante mula sa La Consolacion University, ang kanyang pasasalamat sa nasabing programa.

 

 

“Malaking tulong ang scholarship sa aming mga estudyante lalo na sa mga walang kakayahang magbayad ng tuition fee sa mga private school, gayundin sa mga mag-aaral sa public para sa mga gastusin sa mga project tulad ng thesis at iba pa,” ani dela Peña.

 

 

Samantala, ibinahagi naman ni Shirley Francisco, isa sa mga magulang ng mga iskolar, ang kanyang pasasalamat sa programa sa pamamagitan ng pag-komento sa opisyal PGB FB Page.

 

 

“Nakatataba po ng puso bilang isang ina na mapabilang ang anak sa programang ito, hindi lang po dahil sa pinansyal na tulong, mas higit po ang pakiramdam na nakaka-proud dahil ang anak ko ay nagiging modelo at inspirasyon ng kapwa niya kabataan/estudyante na nagsusumikap makapag-aral sa kabila ng pandemya. Maraming salamat po Lord. Sabi nga po ni Gob. Daniel, Ikaw ang tunay na dapat papurihan dahil may mga ginagamit kang tao para sa marami mong blessings,” aniya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Sen Jinggoy Estrada guilty sa bribery, inabswelto sa ‘plunder’ kaugnay ng PDAF scam

    INABSWELTO ng Sandiganbayan si Sen. Jinggoy Estrada sa kasong pandarambong kaugnay ng pangungurakot ng P183 milyon mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel — pero maaari siya makulong ng 12 taon.     Ito ang inanunsyo ng anti-graft court ngayong Biyernes matapos umabot ng halos 10 taon ang kasong Hunyo 2014 […]

  • Mga tour operators, handang magbigay ng 75 percent off sa room rate

    UMAPELA sa gobyerno ang mga negosyante sa Boracay na sana’y tanggalin ang ilang mga require- ments para sa madali at bawas hassle na pagtungo ng mga turista sa isla.   Ang nasabing apela ay ginawa sa harap ng napakatumal pa ring dating ng mga turista sa Boracay magmula ng itoy binuksang muli sa publiko nitong […]

  • 1,391 motorista namultahan sa paggamit ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue; LTO on red alert

    MAY mahigit na isang libong motorista ang namultahan dahil sa paggamit ng motorcycle lane sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City.   Sa isang ulat na nilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) may kabuohang 1,391 na motorista ang nabigyan ng citation tickets dahlia sa paglabag sa motorcycle land policy.   Binigyan ng MMDA […]