Mga tour operators, handang magbigay ng 75 percent off sa room rate
- Published on October 7, 2020
- by @peoplesbalita
UMAPELA sa gobyerno ang mga negosyante sa Boracay na sana’y tanggalin ang ilang mga require- ments para sa madali at bawas hassle na pagtungo ng mga turista sa isla.
Ang nasabing apela ay ginawa sa harap ng napakatumal pa ring dating ng mga turista sa Boracay magmula ng itoy binuksang muli sa publiko nitong nakaraang Oktubre 1.
Para kay Dr. Henry Chusuey, huwag naman sanang maging hassle ang mga requirement sa mga nais magpunta sa isla sabay apela na gawi na ding pilot area ang Boracay sa pagkakaruon ng antigen test.
Aniya, mas madali kasi ang pagpo- proseso sa pagpunta sa sikat na tourist destination kung ikukumpara sa RT PCR test na bukod sa napakamahal ay matagal pa ang labas ng resulta.
Sa kasalukuyan ay 20 kuwarto lang aniya ang okupado sa Boracay at ayon naman kay Presi- dential spokesperson Harry Roque ay nasa kabuuang 55 mga turista pa lamang ang naire- record na nagpunta sa pamosong isla.
Para naman kay Governor Florencio Miraflores na batay sa napagkasunduan ng mga tour operators ay nakahanda ang mga itong magbigay ng hanggang 75 percent discount sa room rate.
-
‘Black Adam’ Images Give New Look At The Rock’s DC Anti-Hero & JSA
NEW Black Adam images provide fresh looks at Dwayne Johnson’s anti-hero and the Justice Society of America members in the DC Extended Universe movie. Serving as a spinoff of 2019’s Shazam!, the upcoming DCEU film will tell an origin story for Black Adam, once a slave from Kahndaq who is granted powers by the […]
-
‘Epektibo agad’: DepEd inaprubahan boluntaryong face masks sa loob ng school
MAAARI nang hindi magsuot ng face masks ang mga estudyante sa loob ng kani-kanilang mga silid-aralan laban sa COVID-19, ito kasunod ng ipinatupad ng Executive Order 7 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ito ang kinumpirma ni Department of Education spokesperson Michael Poe, Martes, matapos tanungin ng media. “We will follow [Executive […]
-
LOVI, sa La Union nag-Holy Week at inabutan na ng ECQ; ex-bf na si ROCCO muling nakasama sa serye
SA La Union nagbakasyon noong Holy Week si Kapuso actress Lovi Poe at doon na siya inabutan ng ECQ (Enhanced Community Quarantine), pagkatapos mag-taping ng kanilang Primetime series na Owe My Love ng GMA Public Affairs. Walang binanggit si Lovi kung may kasama siyang nagbakasyon sa La Union. Naka-post lamang sa kanyang Instagram na […]