• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

16 organisasyon iniuugnay sa Reds bilang ‘terror groups’

PINANGALANAN ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang 16 na underground organizations na iniuugnay sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang grupong terorista.

 

 

Sa Resolution No. 288 (2022) na may petsang Enero 26 at nilagdaan ni ATC vice chairperson at National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., may nakitang probable cause ang ATC para pangalanan ang mga sumusunod na organisasyon bilang “terrorist groups of persons, organizations or associations” base sa “verified and validation information, ” at maging sa testimonial and documentary evidence:

 

— Revolutionary Council of Trade Unions (RCTU);

— Katipunan ng mga Samahang Manggagawa/Federation of Labor Organizations (KASAMA);

— Pambansang Katipunan ng Magbubukid/National Association of Peasants (PKM);

— Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan/Patriotic Movement of New Women (MAKIBAKA);

— Kabataang Makabayan/Patriotic Youth (KM);

— Katipunan ng Gurong Makabayan/Association of Patriotic Teachers (KAGUMA);

— Makabayang Samahang Pangkalusugan/Patriotic Health Association (MASAPA);

— Liga ng Agham Para sa Bayan/League of Scientists for the People (LAB);

— Lupon ng mga Manananggol para sa Bayan/Committee of Lawyers for the People (LUMABAN);

— Artista at Manunulat ng Sambayanan/Artists and Writers for the People (ARMAS);

— Makabayang Kawaning Pilipino/Patriotic Government Employees (MKP);

— Revolutionary Organization of Overseas Filipinos and their Families (COMPATRIOTS);

— Christians for National Liberation (CNL);

— Cordillera People’s Democratic Front (CPDF);

— Moro Resistance Liberation Organization (MRLO);

— Rebolusyonaryong Organisasyong Lumad/Revolutionary Organization of Lumads (ROL)

 

 

Nakasaad pa rin sa resolusyon na “designation is aimed at eliminating, preventing, and suppressing the financing of terrorist acts, support and recruitment of members, and the supply of weapons to terrorists.”

 

 

Ang mga pinangalanang terrorist organizations/associations sa ilalim ng ATC Resolution No. 12 (2020) ay “necessary and indispensable in the spotting, developing, recruitment and dispatch of cadres, given that membership in an underground organization is a requirement prior to becoming a cadre of the CPP-NPA.”

 

 

Ang grupo ay kinilala ng official website ng National Democratic Front (NDF) kung saan ay inisa-isa ang mga underground organizations na ito bilang kanilang “member organizations”.

 

 

Sinasabi pa rin sa resolusyon , sa naging talumpati ni CPP founder Jose Maria Sison sa 48th anniversary ng NDF noong Abril 2021, binanggit nito ang mga underground organizations, kasama ang CPP-NPA, bilang allied organizations ng NDF.

 

 

Ang CPP-NPA ay kasama sa listahan ng Estados Unidos, European Union, United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, at Pilipinas bilang terrorist organization.

 

 

Pormal namang pinangalanan ang NDF bilang terrorist organization ng ATC noong Hunyo 23, 2021, tinukoy ito bilang “an integral and inseparable part” ng CPP-NPA na nilikha noong Abril 1973.(Daris Jose)

Other News
  • Why this Residential Oasis in Laguna is Gaining Attention from Real Estate Buyers

    Remember way back when there was an abundance of green spaces in rural and even urban residential areas? Relaxation and play were part of everyday life, and residents experienced better physical health and overall satisfaction with life.       Greenfield Development Corporation understands this deep yearning for an inspired life within a better urban […]

  • Bulacan, kaisa ng bansa sa pag-obserba ng DPRM 2021

    LUNGSOD NG MALOLOS – Upang pataasin ang kamalayan ng mga Bulakenyo sa kahalagahan ng policy research sa pagpapaunlad ng bansa, makikiisa ang Lalawigan ng Bulacan sa obserbasyon ng 19th  Development Policy Research Month (DPRM) sa darating na buwan ng Setyembre na pinangungunahan ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na may tema ngayong taon na “Muling Magsimula at Magtayo […]

  • Bucks balik uli sa porma, Hornets pinayuko

    HUMAKOT si Giannis Anteto­kounmpo ng 26 points at 16 rebounds para pamunuan ang nagdedepensang Bucks sa 130-106 pagsuwag sa Charlotte Hornets.     Naglista si Jrue Holiday ng 21 points at 8 assists  habang kumolekta si Bobby Portis ng 20 points at 10 rebounds para sa Milwaukee (38-25) na kasosyo ang Cleveland Cavaliers sa No. […]